Wari ay kulang na lang ay ipagbanduhan ni Carla Abellana ang video na pinakatagu-tago niya.
Nasa “baul ng nakaraan” pala ang video kung saan makikita ang mga luxury cars na pagmamay-ari ng mga Discayas.
Ang mag-asawang Curlee at Sara Discaya ang iniimbestigahan kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon sa post ng Kapuso actress: “This is it!”
“I don’t know who the Discayas then were and the building it belonged to,” paglalarawan niya sa garahe ng marangyang gusali kung saan wala silang mapag-parkingan dahil wala nang bakanteng espasyo.
But judging daw from the garage kung saan nakahimpil ang mga luxury cars, sa loob-loob daw ni Carla: “I knew something was fishy!”
Two years pa kuha ng video na ‘yon kung kailan nagte-taping ang aktres.
Natisod lang daw niya ang video sa kanyang camera roll.
Samantala, speaking of another Kapuso actress ay inip na inip na si Gabbi Garcia sa itinatakbo ng imbestigasyon kaugnay ng malawakang pangungurakot.
Ani Gabbi: “Magdadalawang buwan na, ano na?”
It’s a pervasive general sentiment among our celebrities na naghihintay ng mga personalidad na kallangang managot–most especially mula sa gobyerno. Ronnie Carrasco III