Home ENTERTAINMENT Carla, ready nang makaharap si Tom!

Carla, ready nang makaharap si Tom!

Manila, Philippines- Walang kaso kay Carla Abellana if by any chance ay magkrus sila ng landas ng dating karelasyong si Tom Rodriguez.

After all, kapwa sila nasa lisang network kaya hindi imposibleng mangyari ‘yon.

Ani Carla, she doesn’t even have to prepare for that eventuality.

Hindi rin siya ang tipong gagawa ng paraan para umiwas o magtago at the sight of Tom.

Pero ibang usapan na raw kung inaasahang Carla will go out of her way para bumati kay Tom.

Diretsong pahayag ng Kapuso actress: “I simply don’t see the need to do it!”

In the same breath, hindi pa rin handa si Carla na makatrabahong muli si Tom.

“No, I don’t think I would want that to happen anytime soon. Gusto kong irespeto ang space niya as much as l want him to respect my space, too,” saad niya.

Kung kailan mangyayari ‘yon ay hindi matiyak ni Carla.

For now daw kasi, she wants to focus on herself at sa kanyang career.

“If it happens, so be it but not soon. I also don’t think he’s ready for it,” giit niya.

Samantala, Carla has yet to express her thoughts sa balitang isa nang expectant dad si Tom.

Isang non-showbiz girl daw ang ina ng magiging sanggol ng aktor na nakilala nito during his stay in the US. Ronnie Carrasco III