Manila, Philippines – Nagulantang ang lahat kahapon, June 9, 2024, nang biglang ikasal sina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa isang private ceremony sa Silang, Cavite.
Nagsimula ito nang magpost ang isang makeup artist ng setup niya kung saan binanggit niya talaga na ang set-up ay para sa “Carlo Aquino and Charlie Dizon wedding”.
Marahil ay napagsabihan kaya binura niya rin ito.
Pinost ni Thess Gubi ng Star Magic sa kanyang Instagram Story ang wedding photos ng dalawa.
Ayon sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod principal sponsors: Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Laurenti Dyogi at Charo Santos-Concio ng ABS-CBN; Maricel Soriano, Olivia Lamasan; Vilma Santos-Recto, Veronique de Rosario-Corpuz ng Viva, Senator Bong Revilla at ang misis niyang si Lani Mercado at si Rhea Tan ng Beautederm.
Si Sue Ramirez ang maid of honor habang sina Belle Mariano at Kaila Estrada ang bridesmaids. Groomsmen naman sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.
Si Elisse Joson ang veil bearer, si Alexa Ilacad ang cord bearer, at si Loisa Andalio ang candle bearer.
July 2023 nang umamin sa relasyon sina Carlo at Charlie matapos kumalat ang pictures nila na magkasama. Trixie Dauz