Home NATIONWIDE Carlo J. Caparas pumanaw na

Carlo J. Caparas pumanaw na

MANILA, Philipines- Sumakabilang-buhay na sa edad na 80 ang beteranong direktor at comic strip creator na si Carlo J. Caparas, kilala sa pagbibigay-buhay sa sikat na Filipino superheroes at comic book characters, ayon sa kanyang pamilya nitong Sabado ng gabi.

Inanunsyo ni Peach Caparas ang pagpanaw ng kanyang ama sa isang Facebook post.

“Sa larangan ng komiks siya ang naghari, naging bahagi ng kultura, naging yaman ng lahi. Umabot sa lona ng pinilakang tabing, hinangaan, pinalakpakan ng bayang magiting,” saad sa post ni Peach.

“Subalit buhay ay sadyang may wakas… ‘Pack up na Direk’. Oras na ng uwian.”

“Hayaang kasaysayan ang humusga sa iyong mga obra. Salamat Direk Carlo J. sa mga dibuho at istorya. Mga istoryang nabuo sa bawat tipa ng iyong makinilya,” patuloy niya.

Si Caparas ang nasa likod ng sikat na comics at mga pelikula tulad ng “Ang Panday”, “Bakekang,” “Pieta” at “Totoy Bato.” RNT/SA