Manila, Philippines- Maintenance medicines for cholesterol and high blood pressure.
Ilang lang ito sa nga regular nang tine-take ni Carlo Aquino.
Nakitaan kasi ng bara sa puso ang mahisay na aktor, but the good thing is, hindi niya kailangang sumailalim sa procedure tulad ng angioplasty.
Napansin kasi sa MMFF Parade of Stars nitong December 19 ang pangangayayat ni Carlo.
Overwork daw ang dahilan sa likod niyon–lagare kasi siya sa mga ginagawang projects simultaneously.
Samantala, mas looking forward ang partner niyang si Charlie Dizon to becoming a mom.
Dahil meron na nga namang daughter si Carlo–si Mithi from his previous relationship–kung siya daw ang masusunod ay baby boy ang gusto niyang maging anak ni Charlie.
“Basta as long as healthy, kung ano ang ibigay sa amin ay mamahalin namin,” sabi ni Carlo.
The incoming year looks like another promising one for Carlo na may pelikula with Bela Padilla. Ronnie Carrasco III