Home HOME BANNER STORY Isa patay sa ligaw na bala sa Maynila

Isa patay sa ligaw na bala sa Maynila

278
0

MANILA, Philippines – May isang namatay sa tama ng stray bullet sa Barangay Laurel, Tondo, Manila noong Bisperas ng Pasko.

Ayon sa datos ng PNP, ang biktima ay nakikipag-inuman nang tamaan siya ng bala bandang 12:50 ng umaga.

Narekober ng pulisya ang isang 9 mm caliber pistol, pero ang suspek ay nakatakas. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, arestado ng PNP ang pitong suspek sa indiscriminate firing mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 26.

Nahuli ang mga suspek sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, Western Visayas, Caraga, Cordillera Administrative Region, at Negros Island Region.

Una nang binalaan ng PNP ang mga pulis at may-ari ng baril na may one-strike policy laban sa indiscriminate firing sa holiday season. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here