Manila, Philippines- Ang pole vaulter na si EJ Obiena ang knuhang endorser ng isang sikat na chocolate drink at hindi ang two time gold medalist na si Carlos Yulo.
Negatibo raw kasi ang image ngayon ni Carlos dahl natiis nitong di man lang dalawin ang pamlya at magulang na sina Mark Andrew at Angelca Yulo.pagkatapos ng kanyang Paris Olympics journey.
Ayon sa mag-asawang sina Dr. Richard at Erika ng nasabing choco drink, ipinaliwanag nila kung bakit si EJ ang ipinalit kay Yulo dahil alam nila na ang mga nanay ang bumibili nito at hindi ang girlfriend.
Hindi lang yan, baka takwil daw sila ng kanilang mga anak pag si Yulo ang nagi-endorse.
Carlo’s loss is EJ’s gain.
Speaking of endorsements na pumapsok kay EJ, namimili raw siya ng ini-endorse na brand.
Inaalok daw siya ng dalawa pang products bilang brand ambassador pero magalang niya itong tnanggihan. Isang liquor brand at gambling endorsements.
Katuwiran ni EJ, maraming kabataan ang umiidolo sa kanya.
Baka nga tangkilikin ang kanyang ini-endorsong brand at ayaw niyang magkaroon ng bisyo ang mga kabataang mag-aaral.
Ani EJ, “It’s never about the money.”
Kung susumahin ang dalawang endorsements na hind niya tinanggap, nawalan siya ng halos P15M sa kanyang bulsa.
Sabi ng ilang netizens, P20M richer naman daw si EJ dahil balitang ganito kalaki ang ibinayad sa kanya ng choco drink. Ador Saluta