Hirit ng nasabing mga sektor ang awtomatikong wage hike, pagprotekta sa ancestral domain, kapakanan ng mga mangingisda lalo na sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea, pakikinig sa mga nasa sektor ng transportasyon, at pagbibigay pansin sa pagtaas ng HIV/AIDS sa mga kabataan.
Sa dalawang araw na konsultasyon ng nabanggit na mga sektor sa grupong FPJ Panday Bayanihan kung saan Chairman ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe, sinabi nito na pag-aaralan pa ang hinaing ng bawat sektor upang siguruhin na mapapakinggan at masosolusyonan.
Kasama rin sa hinihiling ng mga ito ang pagkakaroon ng social security para sa mga driver na pumapasada ng tricycle at iba pang pampublikong sasakyan.
Iprayoridad naman ang kapakanan ng mga rescuers ang panawagan ng Disaster Risk Reduction and Management office at bigyan sila ng permanenteng posisyon.Gayundin na mabigyan sila ng bangka,firetruck at ambulasya para sa kanilang pagtugon sa mga sakuna.
Nang tanungin si Brian Poe kung may plano itong tumakbo bilang kinatawan sa Kongreso o Party-list, sinabi niya na wala pa sa ngayon dahil kailangan pa ng basbas ng kanyang pamilya.
Sakali naman aniya na hindi siya tatakbo ay tutulong pa rin na maisulong ang mga hinaing ng nasabingga sektor. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)