Home ENTERTAINMENT Carlos, uulanin ng showbiz offers; Sylvia, intresado!

Carlos, uulanin ng showbiz offers; Sylvia, intresado!

135
0

Paris, France – Nagbubunyi ang ating mga kababayan all over the world makaraang masungkit ni Carlos Yulo ang kauna-unahang medalyang ginto sa men’s floor exercise sa ginaganap na Paris Olympics 2024 sa France.

Si Carlos ang ikalawang gold medalist pagkatapos ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics noong 2020.

Kinabog ni Carlos ang mga nakatunggaling sina Artem Dolgopyat ng Israel na naka-silver at Jake Jarman ng United Kingdom who got bronze.

Nakatala ng score na 15,000 sa floor exercise sa Bercy Arena, pinahanga ni Carlos ang mga hurado sa kanyang flying tumbles at intricate spins sa artistic gymnastics.

‘Yun din ang ikalawang pagkakataong umalingawngaw sa buong area ang Lupang Hinirang, ang national anthem ng bansa. Makikitang proud na ipinakita ni Yulo ang hawak na gold medal sa camera.

A disbelieving Carlos was in tears makaraang iproklama siyang kampeon.

Dahil sa kanyang tagumpay, maraming film producer tuloy ang interesadong kunin siya sa pelikula.

Matatandaang sinabi ng actress-producer na si Sylvia Sanchez na balak niyang magprodyus ng pelikula tungkol sa mga atletang kumatawan sa Paris Olympics.

Kasama ni Sylvia ang asawang si Art Atayde, anak na si Xavi at ilang mga kaibigan na bumiyahe sa Paris para saksihan ang Olympics.

Interesadong malaman ni Sylvia ang kuwento kung paanong umabot ang mga Pinoy nating atleta hanggang kabisera ng France para lumahok sa kumpetisyon.

Sylvia is the proud owner of Nathan Studios na nagprodyus ng mga pelikulang Topak at Cattleya Killer, bukod sa pag-aangkat ng mga foreign films na binili niya mula sa Cannes Film Festival.

Samantala, open naman ang singer na si Mark Bautista sa kanyang paghanga kay Carlos Yulo. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here