Home NATIONWIDE Cashless collection system sa expressways ikinasa sa Kamara

Cashless collection system sa expressways ikinasa sa Kamara

264
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Robert Nazal ang pagpasa ng isang panukalang batas na magsa-standardize ng mga cashless collection system sa lahat ng expressway.

Ang House Bill (HB) No. 4372 o ang panukalang Non-Payment of Toll Fees Act of 2025, ay naglalayon din na parusahan ang mga motoristang hindi nagbabayad ng toll fee.

Tinukoy ni Nazal ang hindi pagbabayad ng mga toll fee bilang isang paglabag sa trapiko na pinarurusahan ng mga multa, pagsususpinde ng lisensya, at pagtaas ng mga parusa para sa mga umuulit na nagkasala.

Pinapahintulutan din nito ang open-road tolling at multi-lane fast-flow system upang payagan ang mga sasakyan na dumaan sa mga toll plaza nang walang tigil.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga unang lalabag ay mapapatawan ng P1,000 na multa at isang buwang suspensiyon ng lisensya. Tataas ito sa P5,000 at isang taong suspensiyon para sa mga paulit-ulit na nagkasala.

Ang mga multa na nakolekta ay magpopondo sa pinahusay na mga signage sa kaligtasan sa kalsada at pagpapatupad sa mga tollway.

Sinabi ni Nazal na ang panukala ay umaayon sa layunin ng Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang isang standardized RFID system sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here