Home METRO Halos 1,000 pasahero stranded sa mga pantalan sa hagupit ni Tino

Halos 1,000 pasahero stranded sa mga pantalan sa hagupit ni Tino

314
0

MANILA, Philippines – Ilang mga pantalan na ang apektado dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Tino sa ilang bahagi ng bansa.

Ngayong umaga, inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga lugar kung saan may mga stranded na ring mga pasahero.

Kabilang rito ang mga pantalan sa Eastern Visayas, Southern Tagalog, Southwestern Mindanao at Central Visayas.

Ayon sa PCG, nasa kabuuang 42 mga pantalan ang apektado habang 988 mga pasahero, truck drivers, cargo helpers ang stranded.

Stranded din ang 302 rolling cargoes at 24 vessels habang ang 161 iba pang sasakyang dagat at 21 motorbancas ay naghanap muna ng ligtas na lugar.

Sa ngayon ay nakaalerto na ang PCG sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Tino.

Nakaantabay na rin ang lahat ng mga assets nito para sa agarang pagtugon sa mga oras na pangagailangan at rescue operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here