Home NATIONWIDE Cassandra Ong dumulog sa SC sa proteksyon sa right to self incrimination

Cassandra Ong dumulog sa SC sa proteksyon sa right to self incrimination

107
0

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang kampo ni Cassandra Li Ong o alyas Casey upang hilingin na atasan niyo ang Senado at Kamara na igalang ang kanyang karapatan laban sa self incrimination.

Sa inihain ni Ong na petition for certiorari and prohibition with motion for temporarily order sa Supreme Court hiniling nito na maglabas ng temporary restraining order upang igalang ng Quadcomm at Tricomm ang kanyang constitutional rights sa ginagawang imbestigasyon.

Kabilang sa mga respondent ang mga Senador mula sa Tricomm at mga kongresista mula sa Quadcomm.

Iginiit ng petitioner na nilabag ng mga mambabatas ang ilang constitutional rights ni Ong, lalo na ang pahayag na right to remain silent at right against self incrimination.

Iginiit ng kampo ni Ong na hindi na dapat pinipilit ng mga mambabatas na magsalita pa ang iniimbestigahan patungkol sa POGO hub sa Bamban Tarlac.

Hiniling din ng kampo ni Ong sa Korte Suprema na idaan sa oral argument ng mga mahistrado ang pagresolba sa petition. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here