Home ENTERTAINMENT Sarah, ‘baka’ ang bagong adbokasiya!

Sarah, ‘baka’ ang bagong adbokasiya!

Manila, Philippines- “Zoophile” na matatawag si Sarah Geronimo if only for her love for animals.

Hindi lingid sa kaalaman ng kanyang mga fans na may “soft spot” sa puso ng singer-actress ang mga aso’t puso.

This time, nag-level up na ang pagmamahal at malasakit ni Sarah sa mga hayop.

Bukod kasi sa cats and dogs ay may isinusulong pang global campaign ang misis ni Matteo Guidicelli.

Baka o cow.

Ibinahagi ni Sarah ang video ng Animals Australia Organization which features cows and their young.

Mapapanood sa naturang video ang puwersahang paghihiwalay ng mga baby cows sa kanilang mga ina.

In the process, pinagkakaitan ang mga baby cows na dumede o sumuso sa kanilang magulang.

For everybody’s info, “calf” ang tawag sa baby cow.

“Heifer calf” ang tawag kung babae, “bull calf” naman kung lalaki.

In the video, nagaganap ang paghihiwalay ng mga calves sa kanilang mga ina sa isang cow farm.

Makikita ang labis na lungkot ng mga inang baka whose calves are separated from them.

To make matters worse, pinapatay pa ang mga batang baka para gawing accessories ang mga bahagi ng kanilang katawan.

No caption by Sarah accompanies the video na ibinahagi niya yet mararamdaman ang kanyang malasakit.

Alam ng lahat that Sarah is into baking, kung saan ginagamitan ng mga dairy products ang kanyang mga bine-bake.

Hindi nakapagtataka kung may ginagamit o gagamiting alternative to milk si Sarah sa kanyang baking. Ronnie Carrasco III