Manila, Philippines- Hindi sa online kundi sa isang tabloid lumabas ang umano’y interview kay Lotlot de Leon kung saan ikinumpara niya sina Jericho Rosales at Paulo Avelino.
Alam naman ng lahat na ang anak ni Lotlot ns si Janine Gutierrez ang common denominator ng dalawang aktor.
Kung babasahin ang nilalaman ng tabloid item, Lotlot drew a comparison between the men in her daughter’s life.
Paulo is said to be Janine’s past habang si Echo naman ang manliligaw niya ngayon.
Pinalagan ni Lotlot ang item dahil aniya: “Matagal na akong walang nakakausap na reporter!”
Indirectly din, even if she got interviewed ay hindi ang tipo ni Lotlot ang magkukumpara kina Echo at Paulo.
Kunsabagay, time and again ay sinasabi naman ni Lotlot that when it comes to Janine’s lovelife, hangga’t maaari’y hands off siya.
The least nga that Lotlot can say is that nasa hustong edad na raw ang kanyang anak who can decide on her own.
Guidance o paggabay lang ang maaari niyang gawin.
But when asked kung ano ang reaksyon niya sa ginagawang panunuyo ni Echo kay Janine, sagot ni Lotlot: “Masarap pakinggan na ipinagmamalaki ng guy ‘yung anak ko!”
Bagay na hindi nga ba ginawa ni Paulo? Ronnie Carrasco III