Home NATIONWIDE Dalagita patay sa sagasa ng tren sa Albay

Dalagita patay sa sagasa ng tren sa Albay

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 17-anyos na dalagita matapos masagasaan ng tren sa harap mismo ng bahay nito sa Daraga, Albay.

Ang biktima ay isang grade 12 student ng Lacag National High School, at residente ng Purok 7, Barangay Inarado.

Sa pahayag ni punong barangay Roy Marco, napansin umano ng mga residente na bigla na lamang bumagal ang takbo ng tren hanggang sa tuluyan itong tumigil bandang alas-9 ng gabi nitong Martes, Setyembre 10.

Pagbaba ng mga crew ng tren ay dito na nasilip ang katawan ng biktima na nasagasaan na.

Nahati ang katawan ng biktima dahil sa pagkakasagasa.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng aksidente.

“Purely accident muna yung [conclusion] namin, siyempre under further investigation pa namin, hindi pa namin nakakausap yung family members so sa ngayon pure accidental in nature po muna ang nilalabas na report po,” pagbabahagi ni PCMS Jasper Manrique, traffic investigator ng Daraga police, sa panayam ng ABSCBN News.

Nakatakdang kuhanan ng pahayag ang pamunuan ng Philippine National Railways ukol sa pangyayari. RNT/JGC