MANILA, Philippines – Humarap na sa pagdinig ng Senado ngayong Martes, Setyembre 17, ang business associate ni Alice Guo na si Cassandra Ong.
Matatandaan na hindi nakadalo sa mga nakaraang pagdinig si Ong kaugnay sa illegal POGO operations, dahil sa siya ay may sakit at nasa ospital.
Bago ang imbestigasyon na nagsimula noong Setyembre 17, sinuri ng Senate medical personnel ang blood pressure nito na nasa 90/60.
Si Ong ang incorporator ng Whirlwind Corporation na nagpaparenta ng lupa para sa Lucky South 99, isang POGO hub sa Pampanga na nilusob ng mga awtoridad.
Ang pagdalo ni Ong sa Senate panel ay kasunod ng kanya ring pagdalo sa quad-committee hearings ng Kamara.
Sa pagdinig ng Mababang Kapulungan, inamin ni Ong na boyfriend niya ang kapatid ni Alice na si Wesley Guo.
Sa kabila nito, itinanggi ni Ong na may iba pa silang ugnayan ni Guo maliban dito. RNT/JGC