HEALTH - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 30 Oct 2026 08:20:47 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png HEALTH - Remate Online https://remate.ph 32 32 Manila LGU, DOH, naglunsad ng libreng flu vacc para sa mga senior sa Baseco https://remate.ph/manila-lgu-doh-naglunsad-ng-libreng-flu-vacc-para-sa-mga-senior-sa-baseco/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=manila-lgu-doh-naglunsad-ng-libreng-flu-vacc-para-sa-mga-senior-sa-baseco https://remate.ph/manila-lgu-doh-naglunsad-ng-libreng-flu-vacc-para-sa-mga-senior-sa-baseco/#respond Fri, 30 Oct 2026 09:20:41 +0000 https://remate.ph/?p=762771 MANILA, Philippines – Pinalalawak ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen at iba pang bulnerableng sektor matapos ilunsad ang libreng flu vaccination program sa Baseco, Port Area, Maynila. Personal na sinalubong ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Health Secretary Dr. Edwin Mercado nitong Biyernes, Oktubre 30, sa […]

The post Manila LGU, DOH, naglunsad ng libreng flu vacc para sa mga senior sa Baseco first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pinalalawak ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen at iba pang bulnerableng sektor matapos ilunsad ang libreng flu vaccination program sa Baseco, Port Area, Maynila.

Personal na sinalubong ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Health Secretary Dr. Edwin Mercado nitong Biyernes, Oktubre 30, sa Amadome Court sa Baseco para sa pagsisimula ng programa na layong protektahan ang mga residente laban sa influenza.

Target sa unang bugso ng pagbabakuna ang 200 senior citizens, habang nangako naman ang Department of Health (DOH) na magbibigay pa ng karagdagang bakuna na ipamamahagi sa iba’t ibang komunidad sa Maynila sa mga susunod na linggo.

 

Nagpasalamat si Domagoso sa pakikipagtulungan ng DOH at sinabing malaking tulong ang ahensiya sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan ng lungsod sa ilalim ng Minimum Basic Needs (MBN) program.

Kasabay nito, ipinagmalaki rin ng alkalde ang nalalapit na ganap na operasyon ng bagong Baseco Hospital matapos itong lagyan ng kumpletong laboratory, operating room at emergency room equipment.

Bahagi ito ng ₱324-milyong pondo ng lungsod para sa pagbili ng mga kagamitang medikal ngayong 2026.

Ayon kay Domagoso, halos 200 pasyente na ang araw-araw na pinagsisilbihan ng ospital na kumukuha ng mga kinakailangang gamot. Inaasahan naman nitong makukuha na ng pasilidad ang lisensiya para makapagbigay ng kumpletong serbisyong pang-ospital sa mga residente.

“Manawari naman sa huling sandali ng pamumuhay nila, maramdaman nila na mahal na mahal sila ng gobyerno ng Lungsod ng Maynila,” pahayag ni Domagoso, na binigyang-diin ang pangangalaga sa mga nakatatanda.

Sinabi naman ni Mercado na patunay ang programa ng pagtutulungan ng national at local government sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) upang matiyak na maaabot ng serbisyong pangkalusugan ang bawat Pilipino.

Inihayag din ng kalihim na palalawakin ng DOH mula 75 tungo sa 135 ang listahan ng libreng gamot na maaaring makuha ng mga Manileño pagsapit ng susunod na taon. Kabilang dito ang insulin, thyroxine at mga gamot para sa family planning.

Tiniyak din ni Mercado na ligtas at epektibo ang flu vaccine. Posibleng magkaroon ng bahagyang pamamaga sa pinagbakunahang bahagi o panandaliang sintomas na kahawig ng trangkaso, ngunit karaniwang nawawala ang mga ito sa loob ng dalawang araw.

Ikinalugod naman ni Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza ang programa dahil aniya, matagal na niyang nakikita ang pangangailangan ng mga residente sa Baseco para sa mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Samantala, iniulat ni OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla na sa 2,800 kaso ng sakit na naitala sa iba’t ibang pribado at pampublikong ospital, 87 ang kumpirmadong influenza.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga senior citizen na samantalahin ang libreng bakuna na makukuha sa mga health center ng lungsod.

Iniulat din ni Padilla na nakatanggap kamakailan ng pitong parangal ang Manila Health Department dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan, kabilang ang Universal Health Care at pamamahala sa mga barangay health worker.

Kabilang din sa mga kinilala ang Maynila bilang kauna-unahang local government unit na nakapagtala ng 100 porsiyentong licensing ng mga primary care facility.

Bukod sa senior citizens, bukas din ang libreng flu vaccination sa mga buntis, may mahihinang immune system, mga adultong may kasabay na karamdaman, health workers at frontline personnel. JAY Reyes/larawan kuha ni Eric Ocapan

The post Manila LGU, DOH, naglunsad ng libreng flu vacc para sa mga senior sa Baseco first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/manila-lgu-doh-naglunsad-ng-libreng-flu-vacc-para-sa-mga-senior-sa-baseco/feed/ 0
Kaso ng dengue sa bayan sa Agusan del Sur umabot na sa 432; 2 patay https://remate.ph/kaso-ng-dengue-sa-bayan-sa-agusan-del-sur-umabot-na-sa-432-2-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-dengue-sa-bayan-sa-agusan-del-sur-umabot-na-sa-432-2-patay https://remate.ph/kaso-ng-dengue-sa-bayan-sa-agusan-del-sur-umabot-na-sa-432-2-patay/#respond Fri, 30 Oct 2026 07:08:37 +0000 https://remate.ph/?p=762725 SAN FRANCISCO, Agusan del Sur, Philippines – Umabot na sa 432 ang kaso ng dengue sa lahat ng 27 barangay ng bayang ito, habang dalawa na ang nasawi hanggang Miyerkules, ayon sa Municipal Health Office (MHO). Bahagi ito ng mas malawak na pagtaas ng kaso ng dengue sa Agusan del Sur, na isinailalim sa province-wide […]

The post Kaso ng dengue sa bayan sa Agusan del Sur umabot na sa 432; 2 patay first appeared on Remate Online.

]]>
SAN FRANCISCO, Agusan del Sur, Philippines – Umabot na sa 432 ang kaso ng dengue sa lahat ng 27 barangay ng bayang ito, habang dalawa na ang nasawi hanggang Miyerkules, ayon sa Municipal Health Office (MHO).

Bahagi ito ng mas malawak na pagtaas ng kaso ng dengue sa Agusan del Sur, na isinailalim sa province-wide outbreak noong Oktubre 1 matapos lumampas sa 2,700 ang mga kaso at umabot sa hindi bababa sa 18 ang nasawi.

Kabilang ang San Francisco sa mga lugar na may pinakamaraming kaso sa lalawigan, kasunod ng Rosario, Loreto at Bunawan. Ayon sa lokal na datos, lumampas sa epidemic threshold ang mga kaso noong huling bahagi ng ikalawang quarter at pinakamataas ang naitala sa pagitan ng morbidity weeks 36 at 38.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Barangay Lapinigan na may 58, kasunod ang Pasta na may 41. Sa poblacion, nakapagtala ang Barangay 5 ng 35 kaso, habang tig-30 naman sa Barangays 1 at 4.

Pinakamarami sa mga tinamaan ng sakit ang mga batang edad 10 hanggang 14, na may 84 kaso o 19.44 porsiyento ng kabuuang bilang. Halos magkapantay ang kaso sa babae at lalaki, na may 217 o 50.23 porsiyento sa babae at 215 o 49.77 porsiyento sa lalaki.

Kabilang pa sa mga barangay na may double-digit na kaso ang Pisa-an (26), Karaus (25), Alegria (25), San Isidro (24), Barangay 2 (22), Bayugan 2 (19), Barangay 3 (18), Hubang (14), Borbon (11) at Das-agan (10). Tig-iisang kaso naman ang naitala sa Ormaca at Bitan-agan.

Pinaigting ng mga health team ang misting operations, paglalagay ng larvicide at house-to-house inspections. Hinikayat din ang mga residente na sundin ang “5S” strategy ng Department of Health: hanapin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok, protektahan ang sarili laban sa kagat, agad magpakonsulta, suportahan ang fogging sa mga lugar na may mataas na kaso, at panatilihin ang sapat na pag-inom ng tubig. RNT/MDS

The post Kaso ng dengue sa bayan sa Agusan del Sur umabot na sa 432; 2 patay first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kaso-ng-dengue-sa-bayan-sa-agusan-del-sur-umabot-na-sa-432-2-patay/feed/ 0
Kaso ng influenza-like illness sa bansa, tumaas ng 35% — DOH https://remate.ph/kaso-ng-influenza-like-illness-sa-bansa-tumaas-ng-35-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-influenza-like-illness-sa-bansa-tumaas-ng-35-doh https://remate.ph/kaso-ng-influenza-like-illness-sa-bansa-tumaas-ng-35-doh/#respond Thu, 29 Oct 2026 00:40:57 +0000 https://remate.ph/?p=762426 MANILA, Philippines – Tumaas ng 35% ang mga kaso ng influenza-like illness (ILI) sa bansa, kasunod ng karaniwang pagdami ng respiratory infections tuwing panahon ng tag-ulan, ayon sa Department of Health (DOH). Batay sa pinakahuling Ulat ng Ahensya, nakapagtala ang DOH ng 13,321 kaso mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 7, mas mataas kumpara sa 9,896 […]

The post Kaso ng influenza-like illness sa bansa, tumaas ng 35% — DOH first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines – Tumaas ng 35% ang mga kaso ng influenza-like illness (ILI) sa bansa, kasunod ng karaniwang pagdami ng respiratory infections tuwing panahon ng tag-ulan, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling Ulat ng Ahensya, nakapagtala ang DOH ng 13,321 kaso mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 7, mas mataas kumpara sa 9,896 kaso na naitala mula Setyembre 10 hanggang 23.

Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, maaaring maiugnay ang pagtaas sa mas malamig na panahon at iba pang kondisyon na nagpapabilis sa pagkalat ng respiratory infections.

Nagpatupad din ang DOH ng heightened surveillance sa 15 probinsya at highly urbanized cities sa pitong rehiyon, kung saan kabilang sa may pinakamalaking pagtaas ng kaso ang Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.

Sa kabila nito, nasa 130,591 ang kabuuang bilang ng ILI cases sa bansa, mas mababa pa rin ng 20% kumpara sa 163,304 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nanatili rin sa mas mababa sa 1% ang case fatality rate, ayon sa DOH.

Pinaiigting ng kagawaran ang preventive measures gaya ng wastong hygiene, pagsusuot ng face mask kapag may sintomas, at pagpapakonsulta sa YAKAP clinics at health centers.

Hinihikayat din ang publiko, lalo na ang vulnerable at high-risk groups, na magpabakuna laban sa trangkaso.

Ayon sa World Health Organization, ang ILI ay isang acute respiratory infection na may lagnat na hindi bababa sa 38 degrees Celsius at ubo, na nagsimula sa loob ng nakaraang 10 araw.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Kaso ng influenza-like illness sa bansa, tumaas ng 35% — DOH first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kaso-ng-influenza-like-illness-sa-bansa-tumaas-ng-35-doh/feed/ 0
Kaso ng flu-like illness, tumaas ng 35% – DOH https://remate.ph/kaso-ng-flu-like-illness-tumaas-ng-35-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-flu-like-illness-tumaas-ng-35-doh https://remate.ph/kaso-ng-flu-like-illness-tumaas-ng-35-doh/#respond Wed, 28 Oct 2026 07:41:04 +0000 https://remate.ph/?p=762278 MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 35 porsiyentong pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness (ILI) mula huling bahagi ng Setyembre hanggang unang bahagi ng Oktubre, kasunod ng karaniwang pagdami ng mga kaso tuwing tag-ulan. Batay sa datos na inilabas nitong Miyerkules, Oktubre 28, umakyat sa 13,321 ang mga kaso mula […]

The post Kaso ng flu-like illness, tumaas ng 35% – DOH first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 35 porsiyentong pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness (ILI) mula huling bahagi ng Setyembre hanggang unang bahagi ng Oktubre, kasunod ng karaniwang pagdami ng mga kaso tuwing tag-ulan.

Batay sa datos na inilabas nitong Miyerkules, Oktubre 28, umakyat sa 13,321 ang mga kaso mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 7, kumpara sa 9,896 na naitala mula Setyembre 10 hanggang 23.

“The increase in cases has been consistent with the seasonal pattern since the rainy season started in MW22 (morbidity week 22),” ayon sa DOH.

Lumampas sa national alert threshold ang pinagsama-samang bilang ng mga kaso noong morbidity week 39, mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3. Dahil dito, pinaigting ang pagbabantay sa 15 probinsiya at highly urbanized cities sa pitong rehiyon.

Pinakamalaking porsiyento ng pagtaas ng kaso ang naitala sa Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.

Gayunman, sinabi ng DOH na nananatiling mas mababa sa isang porsiyento ang case fatality rate.

Mula Enero hanggang Oktubre 21, 2026, umabot sa 130,591 ang kabuuang kaso, na mas mababa ng 20 porsiyento kumpara sa 163,304 na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.

Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, pinayuhan ng DOH ang publiko na maghugas nang maayos ng mga kamay, takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, at magsuot ng mask kung may sintomas.

Hinikayat din ang mga kabilang sa vulnerable at high-risk groups na magpabakuna laban sa influenza upang mabawasan ang panganib ng malubhang sakit at komplikasyon. Pinayuhan naman ang mga may sintomas na magpakonsulta sa mga YAKAP clinic at health center. RNT/MDS

The post Kaso ng flu-like illness, tumaas ng 35% – DOH first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kaso-ng-flu-like-illness-tumaas-ng-35-doh/feed/ 0
Red tide naitala sa Leyte; shellfish ban sa Samar – BFAR https://remate.ph/red-tide-naitala-sa-leyte-shellfish-ban-sa-samar-bfar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=red-tide-naitala-sa-leyte-shellfish-ban-sa-samar-bfar https://remate.ph/red-tide-naitala-sa-leyte-shellfish-ban-sa-samar-bfar/#respond Tue, 27 Oct 2026 04:56:17 +0000 https://remate.ph/?p=761984 LEYTE, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pangunguha, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish mula sa Carigara Bay sa Leyte matapos makitaan ng organismong sanhi ng red tide ang mga sample ng tubig-dagat. Sa advisory na inilabas nitong Lunes, sinabi ng BFAR-8 na nagpositibo sa Pyrodinium bahamense, isang […]

The post Red tide naitala sa Leyte; shellfish ban sa Samar – BFAR first appeared on Remate Online.

]]>
LEYTE, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pangunguha, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish mula sa Carigara Bay sa Leyte matapos makitaan ng organismong sanhi ng red tide ang mga sample ng tubig-dagat.

Sa advisory na inilabas nitong Lunes, sinabi ng BFAR-8 na nagpositibo sa Pyrodinium bahamense, isang organismong kaugnay ng paralytic shellfish poisoning, ang mga sample mula sa Carigara Bay. Saklaw ng bay ang mga baybaying bayan ng Babatngon, San Miguel, Capoocan, Barugo at Carigara.

Natuklasan din sa laboratory tests ng BFAR-8 Marine Biotoxin Laboratory ang paralytic shellfish toxin o saxitoxin sa laman ng mga shellfish na nakolekta mula sa Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar.

Samantala, nananatili ang shellfish ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar matapos magpositibo sa red tide toxins ang mga sample ng shellfish mula sa lugar, batay sa Shellfish Bulletin No. 23, Series of 2026. Kabilang sa mga apektadong bayan ang General MacArthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo.

Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag mangolekta, magbenta o kumain ng anumang uri ng shellfish at Acetes, na kilala bilang alamang, mula sa mga apektadong katubigan hanggang sa ideklarang ligtas ang mga ito.

Maaaring magdulot ng malubhang pagkalason ang red tide toxins. Hindi rin maaasahang nawawala ang mga lason sa pamamagitan ng pagluluto, kaya hindi ligtas kainin ang mga shellfish mula sa mga apektadong lugar kahit luto na ang mga ito.

Ayon sa BFAR, ligtas pa ring kainin ang isda, pusit, hipon at alimango mula sa mga nasabing katubigan kung sariwa, nahugasan nang mabuti at naihanda nang tama, kabilang ang pagtanggal sa mga lamang-loob, bituka at hasang.

Hinimok ng ahensya ang publiko na sundin ang mga abiso nito upang maiwasan ang pagkalason at maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan. RNT/MDS

The post Red tide naitala sa Leyte; shellfish ban sa Samar – BFAR first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/red-tide-naitala-sa-leyte-shellfish-ban-sa-samar-bfar/feed/ 0
Unang kaso ng Shamonda virus, naitala sa France https://remate.ph/unang-kaso-ng-shamonda-virus-naitala-sa-france/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=unang-kaso-ng-shamonda-virus-naitala-sa-france https://remate.ph/unang-kaso-ng-shamonda-virus-naitala-sa-france/#respond Fri, 23 Oct 2026 06:24:43 +0000 https://remate.ph/?p=761232 FRANCE – Unang natuklasan sa isang tao ang Shamonda virus, na karaniwang nakaaapekto sa mga hayop gaya ng baka. Ayon sa French health at agriculture ministries nitong Huwebes, namatay ang pasyenteng may malubhang mahinang immune system noong unang bahagi ng Oktubre. Wala umanong natukoy na panganib sa kalusugan ng publiko sa ngayon. Ayon sa mga […]

The post Unang kaso ng Shamonda virus, naitala sa France first appeared on Remate Online.

]]>
FRANCE – Unang natuklasan sa isang tao ang Shamonda virus, na karaniwang nakaaapekto sa mga hayop gaya ng baka. Ayon sa French health at agriculture ministries nitong Huwebes, namatay ang pasyenteng may malubhang mahinang immune system noong unang bahagi ng Oktubre.

Wala umanong natukoy na panganib sa kalusugan ng publiko sa ngayon. Ayon sa mga awtoridad, pambihirang kaso ito na kinasasangkutan ng isang pasyenteng may malubhang karamdaman at naospital.

Sa kabila ng ilang dekada nang pagkalat ng virus sa Africa at Asia, ngayon lamang ito natukoy sa tao. Pinaniniwalaang nakuha ng pasyente ang virus mula sa kagat ng isang maliit na insektong sumisipsip ng dugo sa silangang bahagi ng France, kung saan kumakalat ito sa mga hayop noong tagsibol at tag-init.

Batay sa paunang resulta ng imbestigasyon, malamang na may kaugnayan sa virus ang mga komplikasyong neurological na naranasan ng pasyente bago namatay. Gayunman, patuloy pa ang mga pagsusuring klinikal, laboratoryo at epidemiological.

Ang Shamonda virus ay kabilang sa grupong Orthobunyavirus at karaniwang naipapasa sa mga hayop sa pamamagitan ng maliliit na insektong nangangagat. Una itong natukoy sa Nigeria noong kalagitnaan ng dekada 1960 at naiulat na rin sa mga baka sa ilang bahagi ng Africa at Japan.

Unang natukoy sa Europe ang virus noong huling bahagi ng Hulyo, kabilang sa mga bukirin ng baka sa France. Sa kasalukuyan, naitala na ito sa 14 na bansa sa kanlurang Europe, ayon sa epidemiological bulletin ng pambansang institusyon ng France na sumusubaybay sa kalusugan ng mga hayop.

Pangunahing host ng virus ang mga baka, bagama’t may mga naitala ring kaso sa iba pang maliliit na alagang hayop at kabayo sa France ngayong tag-init. Sa mga baka, kabilang sa mga sintomas ang matinding pagtatae, lagnat, panghihina at pagbaba ng produksiyon ng gatas.

Ipinaalam na ang kaso sa World Health Organization at European Centre for Disease Prevention and Control habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon kay Tom Solomon, pinuno ng The Pandemic Institute sa Britain at bahagi ng pangkat ng University of Liverpool na sumusuri sa mga impeksiyong naipapasa mula sa hayop sa tao, marami pang hindi alam tungkol sa virus—kabilang kung maaari itong makahawa sa malulusog na tao nang walang sintomas, ano ang karaniwang epekto nito, at gaano kadalas itong magdulot ng malubhang sakit.

“The important message is that there is no reason for public alarm, but this case reinforces the importance of surveillance for emerging infections, particularly those that can affect the brain,” ani Solomon. RNT/MDS

The post Unang kaso ng Shamonda virus, naitala sa France first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/unang-kaso-ng-shamonda-virus-naitala-sa-france/feed/ 0
Salmonella sa manok naitala sa MM, resistant sa antibiotics – pag-aaral https://remate.ph/salmonella-sa-manok-naitala-sa-mm-resistant-sa-antibiotics-pag-aaral/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=salmonella-sa-manok-naitala-sa-mm-resistant-sa-antibiotics-pag-aaral https://remate.ph/salmonella-sa-manok-naitala-sa-mm-resistant-sa-antibiotics-pag-aaral/#respond Thu, 22 Oct 2026 07:41:29 +0000 https://remate.ph/?p=760972 MANILA, Philippines – Nasa 94.7 porsiyento ng Salmonella bacteria na natagpuan sa mga manok na ibinebenta sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila ay resistant sa hindi bababa sa isang uri ng antibiotic, habang mahigit tatlong-kapat ng mga ito ay multidrug-resistant, ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute […]

The post Salmonella sa manok naitala sa MM, resistant sa antibiotics – pag-aaral first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nasa 94.7 porsiyento ng Salmonella bacteria na natagpuan sa mga manok na ibinebenta sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila ay resistant sa hindi bababa sa isang uri ng antibiotic, habang mahigit tatlong-kapat ng mga ito ay multidrug-resistant, ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Sa pag-aaral na pinamagatang “Occurrence and antibacterial resistance of Salmonella spp. from retail eggs and commercial chicken meat within Metro Manila, the Philippines,” sinuri ng mga mananaliksik ang 76 Salmonella isolates mula sa karne ng broiler chicken.

Lumabas sa resulta na 76.3 porsiyento ng mga sample ay multidrug-resistant, o resistant sa tatlo o higit pang klase ng antibacterial agents.

Pinakamataas ang resistance sa ampicillin na may 77.6 porsiyento, sinundan ng streptomycin na may 73.7 porsiyento, nalidixic acid na may 68.4 porsiyento, at cefotaxime na may 67.1 porsiyento.

Ayon sa DOST-FNRI, mahalagang usaping pangkalusugan ang mga sakit na nakukuha sa pagkain. Ang Salmonella ay maaaring magdulot ng gastroenteritis at, sa ilang kaso, mas malubhang impeksiyon. Mas mahirap gamutin ang mga impeksiyong dulot ng bacteria na hindi na tinatablan ng ilang gamot.

Iniulat din ng ahensiya na tumaas nang 42 porsiyento ang mga kaso ng Salmonella infection sa Pilipinas noong 2023, na umabot sa 13,000.

Gayunman, binigyang-diin ng DOST-FNRI na mahalagang pinagkukunan ng protina ang manok at maaari pa ring maging bahagi ng balanseng pagkain basta’t maayos ang paghahanda at pagluluto nito.

Ayon sa ahensiya, napapatay ng tamang pagluluto ang Salmonella. Ngunit maaaring kumalat ang bacteria mula sa hilaw na manok patungo sa mga kamay, kagamitan, chopping board, kusina at iba pang pagkain sa pamamagitan ng cross-contamination.

Upang maiwasan ang impeksiyon, pinayuhan ang publiko na maghugas ng kamay bago, habang at pagkatapos humawak ng hilaw na manok; ihiwalay ito sa lutong pagkain; gumamit ng magkahiwalay na kagamitan kung maaari; at linisin ang mga ibabaw sa kusina pagkatapos maghanda ng pagkain.

Pinayuhan din ang publiko na lutuing mabuti ang manok, iwasang kumain ng kulang sa luto na poultry at agad na ilagay sa refrigerator ang mga pagkaing madaling masira. RNT/MDS

The post Salmonella sa manok naitala sa MM, resistant sa antibiotics – pag-aaral first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/salmonella-sa-manok-naitala-sa-mm-resistant-sa-antibiotics-pag-aaral/feed/ 0
Bilang ng nasawi sa dengue sa Negros region, umabot na sa 36 https://remate.ph/bilang-ng-nasawi-sa-dengue-sa-negros-region-umabot-na-sa-36/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bilang-ng-nasawi-sa-dengue-sa-negros-region-umabot-na-sa-36 https://remate.ph/bilang-ng-nasawi-sa-dengue-sa-negros-region-umabot-na-sa-36/#respond Thu, 22 Oct 2026 06:13:28 +0000 https://remate.ph/?p=760953 NEGROS ISLAND REGION, Philippines – Umabot na sa 36 ang nasawi dahil sa dengue sa Negros Island Region, kahit bumaba ng 18 porsiyento ang kabuuang kaso ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes, Oktubre 20. Nakapagtala ang rehiyon ng 6,406 kaso mula Enero 1 hanggang Oktubre 10, mas mababa kumpara sa 7,859 […]

The post Bilang ng nasawi sa dengue sa Negros region, umabot na sa 36 first appeared on Remate Online.

]]>
NEGROS ISLAND REGION, Philippines – Umabot na sa 36 ang nasawi dahil sa dengue sa Negros Island Region, kahit bumaba ng 18 porsiyento ang kabuuang kaso ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes, Oktubre 20.

Nakapagtala ang rehiyon ng 6,406 kaso mula Enero 1 hanggang Oktubre 10, mas mababa kumpara sa 7,859 kaso sa kaparehong panahon noong 2025.

Ayon sa DOH, mga batang nasa edad-pampaaralan at mga kabataan ang pinakamaraming tinamaan ng sakit at kabilang din sa may pinakamataas na bilang ng nasawi.

Mas marami ang lalaking nagkasakit, na may 3,355 kaso o 52 porsiyento, kumpara sa 3,051 kaso o 48 porsiyento sa mga babae.

Sa tala ng DOH, pinakamataas ang bilang ng kaso sa mga edad 11 hanggang 15, na may 1,703 kaso, kasunod ang mga batang edad 6 hanggang 10 na may 1,290 kaso o 20 porsiyento, at edad 1 hanggang 5 na may 921 kaso o 14 porsiyento.

Nakapagtala rin ng 900 kaso o 14 porsiyento sa mga edad 21 hanggang 30, at 798 kaso o 12 porsiyento sa mga edad 16 hanggang 20.

Sa iba pang pangkat ng edad, may 467 kaso sa edad 31 hanggang 40, 397 sa edad 60 pataas, 226 sa edad 41 hanggang 50, 206 sa edad 51 hanggang 59, at 128 kaso sa mga sanggol na wala pang isang taon.

Dahil sa 36 na nasawi, nasa 0.56 porsiyento ang case fatality rate ng dengue sa rehiyon.

Pinakamaraming namatay sa mga batang edad 6 hanggang 10, na may 11 kaso. Sinundan ito ng edad 21 hanggang 30 na may anim na nasawi at edad 60 pataas na may lima.

May tig-tatlong nasawi sa mga edad 1 hanggang 5, 11 hanggang 15, at 31 hanggang 40. Samantala, dalawa ang nasawi sa bawat pangkat na edad 16 hanggang 20 at 41 hanggang 50, habang isa naman sa edad 51 hanggang 60. RNT/MDS

The post Bilang ng nasawi sa dengue sa Negros region, umabot na sa 36 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bilang-ng-nasawi-sa-dengue-sa-negros-region-umabot-na-sa-36/feed/ 0
Ilocos Norte nagtala ng 2,501 kaso ng dengue; 3, nasawi https://remate.ph/ilocos-norte-nagtala-ng-2501-kaso-ng-dengue-3-nasawi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilocos-norte-nagtala-ng-2501-kaso-ng-dengue-3-nasawi https://remate.ph/ilocos-norte-nagtala-ng-2501-kaso-ng-dengue-3-nasawi/#respond Sat, 17 Oct 2026 03:46:52 +0000 https://remate.ph/?p=759904 ILOCOS NORTE, Philippines — Naitala sa Ilocos Norte ang 2,501 kaso ng dengue at tatlong pagkamatay mula Enero hanggang unang bahagi ng Oktubre 2026, ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nitong Biyernes, Oktubre 16. Sa pinakahuling datos ng PESU, nakapagtala ang lalawigan ng 107 bagong kaso noong Morbidity Week 40, mula Oktubre 4 […]

The post Ilocos Norte nagtala ng 2,501 kaso ng dengue; 3, nasawi first appeared on Remate Online.

]]>
ILOCOS NORTE, Philippines — Naitala sa Ilocos Norte ang 2,501 kaso ng dengue at tatlong pagkamatay mula Enero hanggang unang bahagi ng Oktubre 2026, ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nitong Biyernes, Oktubre 16.

Sa pinakahuling datos ng PESU, nakapagtala ang lalawigan ng 107 bagong kaso noong Morbidity Week 40, mula Oktubre 4 hanggang 10.

Patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad sa kalusugan ang publiko na mag-ingat upang mapigilan ang pagkalat ng dengue, na naipapasa sa kagat ng infected na lamok na Aedes.

Pinapayuhan ang mga residente na regular na linisin at alisan ng tubig ang mga lalagyan, alisin ang naipong tubig sa paligid, panatilihing malinis ang kapaligiran, at gumamit ng mosquito repellent o damit na panangga sa kagat ng lamok.

Pinayuhan din ang publiko na magpakonsulta agad kapag nakararanas ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagduduwal o pantal. Nangangailangan naman ng agarang medical attention ang matinding pananakit ng tiyan, tuloy-tuloy na pagsusuka, pagdurugo o kakaibang pagkaantok. RNT/MDS

The post Ilocos Norte nagtala ng 2,501 kaso ng dengue; 3, nasawi first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ilocos-norte-nagtala-ng-2501-kaso-ng-dengue-3-nasawi/feed/ 0