Home LIFESTYLE HEALTH Health station sa liblib na sitio sa Tarlac, muling binuksan

Health station sa liblib na sitio sa Tarlac, muling binuksan

1
0

TARLAC, Philippines – Muling binuksan ang isang barangay health station sa liblib na Sitio Dueg, Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac upang mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Albert Domingo nitong Biyernes, umaabot ng isang oras ang biyahe ng mga residente patungo sa pinakamalapit na pasilidad pangkalusugan bago muling buksan ang health station.

May mga resettlement area ng mga Aeta sa naturang sitio.

“Mahalaga po ito… ‘yung mapalapit para sa ating mga kababayan ‘yung tinatawag na primary healthcare or ‘yung mga serbisyo ba, na kapag mayroon pasimple lang na nagkakaroon ng lagnat sa gitna na gabi,” pahayag ni Domingo sa programang Bagong Pilipinas Ngayon ng state television na PTV.

Maglalagay naman ang lokal na pamahalaan ng San Clemente ng low earth orbit satellite o Starlink upang maisagawa ang telemedicine sa lugar.

“Pwedeng mag-usap ‘yung doktor, si doktora na nasa RHU (rural health unit) doon sa bayan, doon sa midwife or kahit walang midwife, ‘yung dalawa na barangay health worker na onsite malapit doon sa ating mga kababayan,” dagdag ni Domingo.

Dating COVID-19 isolation facility ang health station na inayos at ni-renovate ng lokal na pamahalaan upang magamit muli.

Tutulong naman ang DOH sa pagbibigay ng mga kagamitan at materyales para sa pasilidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here