TOP STORIES - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Mon, 02 Nov 2026 07:22:18 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png TOP STORIES - Remate Online https://remate.ph 32 32 Gasolina tataas ng P3.50/L; diesel, kerosene may rollback https://remate.ph/gasolina-tataas-ng-p3-50-l-diesel-kerosene-may-rollback/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gasolina-tataas-ng-p3-50-l-diesel-kerosene-may-rollback https://remate.ph/gasolina-tataas-ng-p3-50-l-diesel-kerosene-may-rollback/#respond Mon, 02 Nov 2026 08:58:21 +0000 https://remate.ph/?p=763266 MANILA, Philippines — Tataas nang P3.50 kada litro ang presyo ng gasolina sa unang linggo ng Nobyembre, ayon sa Department of Energy (DOE). Samantala, may rollback naman sa presyo ng diesel at kerosene. Batay sa abiso ng DOE, bababa nang P1 kada litro ang diesel habang P1.90 kada litro naman ang bawas sa kerosene. Ang […]

The post Gasolina tataas ng P3.50/L; diesel, kerosene may rollback first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Tataas nang P3.50 kada litro ang presyo ng gasolina sa unang linggo ng Nobyembre, ayon sa Department of Energy (DOE).

Samantala, may rollback naman sa presyo ng diesel at kerosene.

Batay sa abiso ng DOE, bababa nang P1 kada litro ang diesel habang P1.90 kada litro naman ang bawas sa kerosene.

Ang mga adjustment sa presyo ng produktong petrolyo ay inaasahang ipatutupad ng mga oil company ngayong linggo.

Dahil dito, mas mabigat ang dagdag-gastos para sa mga gumagamit ng gasoline-powered vehicles, habang makikinabang naman sa rollback ang mga gumagamit ng diesel at kerosene. Dave Medina

The post Gasolina tataas ng P3.50/L; diesel, kerosene may rollback first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/gasolina-tataas-ng-p3-50-l-diesel-kerosene-may-rollback/feed/ 0
Mahigit 100 pamilya nawalan ng bahay sa malaimpyernong sunog sa Cebu https://remate.ph/mahigit-100-pamilya-nawalan-ng-bahay-sa-malaimpyernong-sunog-sa-cebu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-100-pamilya-nawalan-ng-bahay-sa-malaimpyernong-sunog-sa-cebu https://remate.ph/mahigit-100-pamilya-nawalan-ng-bahay-sa-malaimpyernong-sunog-sa-cebu/#respond Mon, 02 Nov 2026 08:47:25 +0000 https://remate.ph/?p=763273 CEBU CITY — Mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos masunog ang dose-dosenang bahay sa Sitio Alaska, Barangay Mambaling, Cebu City nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 1. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu City, umabot sa third alarm ang sunog at tuluyang nawasak ang 63 bahay. Kabuuang 128 pamilya o 513 indibidwal […]

The post Mahigit 100 pamilya nawalan ng bahay sa malaimpyernong sunog sa Cebu first appeared on Remate Online.

]]>

CEBU CITY — Mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos masunog ang dose-dosenang bahay sa Sitio Alaska, Barangay Mambaling, Cebu City nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 1.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu City, umabot sa third alarm ang sunog at tuluyang nawasak ang 63 bahay.

Kabuuang 128 pamilya o 513 indibidwal ang naapektuhan ng insidente.

Sinabi ni SFO3 Wendell Villanueva, spokesperson ng BFP Cebu City, na karamihan sa mga bahay sa lugar ay gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Mahigit isang oras bago tuluyang nakontrol ng mga bumbero ang sunog.

Wala namang naiulat na nasugatan.

Tinatayang umabot sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian, batay sa paunang datos ng mga awtoridad.

Iniimbestigahan din ng BFP ang impormasyong maaaring nagsimula ang apoy mula sa nakasinding kandila na inilagay sa labas ng isang bahay bilang “halad” ngayong Undas.

Gayunman, hindi pa ito itinuturing na kumpirmadong sanhi ng sunog habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Pansamantalang nanunuluyan sa barangay evacuation center ang mga pamilyang nawalan ng bahay habang patuloy silang binibigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan. Mary Anne Sapico

The post Mahigit 100 pamilya nawalan ng bahay sa malaimpyernong sunog sa Cebu first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mahigit-100-pamilya-nawalan-ng-bahay-sa-malaimpyernong-sunog-sa-cebu/feed/ 0
Nanay pinatay, binaon sa septik tank ng ‘absinerong anak’ sa Bohol https://remate.ph/nanay-pinatay-binaon-sa-septik-tank-ng-absinerong-anak-sa-bohol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nanay-pinatay-binaon-sa-septik-tank-ng-absinerong-anak-sa-bohol https://remate.ph/nanay-pinatay-binaon-sa-septik-tank-ng-absinerong-anak-sa-bohol/#respond Mon, 02 Nov 2026 08:36:05 +0000 https://remate.ph/?p=763264 MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang itinurong responsable sa pagkamatay ng kanyang 46-anyos na ina na natagpuan sa isang abandonadong septic tank sa Barangay Looc, Panglao, Bohol nitong Sabado, Oktubre 31. Ayon sa Panglao Police Station, isang residente ang humingi ng tulong matapos mapansin ang maraming langaw sa paligid ng septic tank. Nang […]

The post Nanay pinatay, binaon sa septik tank ng ‘absinerong anak’ sa Bohol first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang itinurong responsable sa pagkamatay ng kanyang 46-anyos na ina na natagpuan sa isang abandonadong septic tank sa Barangay Looc, Panglao, Bohol nitong Sabado, Oktubre 31.

Ayon sa Panglao Police Station, isang residente ang humingi ng tulong matapos mapansin ang maraming langaw sa paligid ng septic tank.

Nang inspeksyunin ang lugar, natagpuan sa loob nito ang bangkay ng biktima, na isang guro.

Batay sa paunang pagsusuri, nagtamo ang biktima ng traumatic head injuries at tinatayang nasawi madaling-araw ng Oktubre 31.

Sa isinagawang hot pursuit investigation, nakatuon ang imbestigasyon sa 15-anyos na anak ng biktima, na kalaunan ay umamin umano sa mga awtoridad sa kanyang ginawa.

Ayon sa pulisya, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-ina matapos sitahin ng biktima ang anak dahil sa pagliban at pag-cutting classes sa paaralan.

Sinabi ng mga imbestigador na matapos ang insidente ay dinala umano ng binatilyo ang katawan ng kanyang ina sa abandonadong septic tank at tinakpan ito ng mga bato.

Narekober din ng mga awtoridad sa kanilang bahay ang isang martilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Tanging ang mag-ina umano ang magkasama sa bahay bago naganap ang insidente.

Dahil menor de edad, hindi inilabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng binatilyo.

Itinuturing siyang Child in Conflict with the Law at nasa pangangalaga na ng Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaukulang intervention at pagproseso alinsunod sa batas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa buong pangyayari. Mary Anne Sapico

The post Nanay pinatay, binaon sa septik tank ng ‘absinerong anak’ sa Bohol first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/nanay-pinatay-binaon-sa-septik-tank-ng-absinerong-anak-sa-bohol/feed/ 0
EDSA Busway Guadalupe Station muling bubuksan sa Nob. 6 https://remate.ph/edsa-busway-guadalupe-station-muling-bubuksan-sa-nob-6/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=edsa-busway-guadalupe-station-muling-bubuksan-sa-nob-6 https://remate.ph/edsa-busway-guadalupe-station-muling-bubuksan-sa-nob-6/#respond Mon, 02 Nov 2026 08:25:56 +0000 https://remate.ph/?p=763263 MANILA, Philippines — Muling bubuksan sa mga pasahero sa Biyernes, Nobyembre 6, ang bagong rehabilitated EDSA Busway Guadalupe Station, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Ininspeksyon nina Transportation Secretary Vince Dizon at Public Works Secretary Giovanni Lopez ang istasyon bilang bahagi ng patuloy na pagpapahusay sa mga pasilidad ng pampublikong transportasyon. Ayon sa DOTr, iniutos […]

The post EDSA Busway Guadalupe Station muling bubuksan sa Nob. 6 first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Muling bubuksan sa mga pasahero sa Biyernes, Nobyembre 6, ang bagong rehabilitated EDSA Busway Guadalupe Station, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ininspeksyon nina Transportation Secretary Vince Dizon at Public Works Secretary Giovanni Lopez ang istasyon bilang bahagi ng patuloy na pagpapahusay sa mga pasilidad ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa DOTr, iniutos din ni Dizon ang paglalagay ng maayos na palikuran, ceiling fans at karagdagang upuan sa mga EDSA Busway station para sa mas komportableng biyahe ng mga commuter.

Bahagi ang mga improvement ng koordinasyon ng DOTr at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maipagpatuloy ang mga infrastructure project habang binibigyang-prayoridad ang kapakanan ng mga pasahero.

Nauna ring ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang ahensya na unahin ang kapakanan ng commuters at gawing mas maginhawa ang kanilang araw-araw na pagbiyahe.

Samantala, pansamantalang pinayagan simula Nobyembre 2 ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa bahagi ng EDSA Busway mula NEPA Q-Mart hanggang Boni Avenue habang nagpapatuloy ang natitirang rehabilitation works sa EDSA. Inaasahang tatagal nang humigit-kumulang dalawang linggo ang pansamantalang traffic arrangement. Santi Celario

The post EDSA Busway Guadalupe Station muling bubuksan sa Nob. 6 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/edsa-busway-guadalupe-station-muling-bubuksan-sa-nob-6/feed/ 0
US envoy: PH-US alliance ‘stronger than ever’ https://remate.ph/us-envoy-ph-us-alliance-stronger-than-ever/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=us-envoy-ph-us-alliance-stronger-than-ever https://remate.ph/us-envoy-ph-us-alliance-stronger-than-ever/#respond Mon, 02 Nov 2026 08:14:46 +0000 https://remate.ph/?p=763262 MANILA, Philippines — Muling tiniyak ni United States Ambassador to the Philippines Lee Lipton ang suporta ng Washington sa seguridad ng Pilipinas kasunod ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus sa Cebu. Ayon kay Lipton, nananatiling “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa Philippine security at “stronger than ever” ang alyansa ng dalawang bansa. “I want to […]

The post US envoy: PH-US alliance ‘stronger than ever’ first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Muling tiniyak ni United States Ambassador to the Philippines Lee Lipton ang suporta ng Washington sa seguridad ng Pilipinas kasunod ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus sa Cebu.

Ayon kay Lipton, nananatiling “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa Philippine security at “stronger than ever” ang alyansa ng dalawang bansa.

“I want to reaffirm the United States’ enduring commitment to the Philippines and our shared vision for a peaceful, secure, and prosperous Indo-Pacific,” ani Lipton.

Dumalo sa ASEAN defense meeting si US Secretary of War Pete Hegseth, na nagsagawa rin ng mga pakikipagpulong sa mga Southeast Asian partners.

Sinabi ni Lipton na ipinapakita ng mga engagement na ito ang layunin ng administrasyon ni US President Donald Trump na palakasin ang alliances at regional cooperation.

Binigyang-diin din niya ang suporta ng Washington sa pagtatanggol sa soberanya at territorial integrity ng Pilipinas at sa pagpapanatili ng freedom of navigation sa rehiyon.

“As we mark 75 years of the US-Philippines Mutual Defense Treaty, our message is clear: our alliance is stronger than ever,” ani Lipton.

Bukod sa defense cooperation, sinabi ng US envoy na dapat ding palakasin ang economic partnership ng dalawang bansa.

Aniya, nais ng Estados Unidos na suportahan ang economic development ng Pilipinas kasabay ng patuloy na security cooperation.

Sa ASEAN-United States Defense Ministers’ Informal Meeting, iminungkahi naman ni Hegseth ang pagbuo ng framework para sa mas malawak na defense cooperation sa pagitan ng US at ASEAN kasabay ng ika-50 anibersaryo ng relasyon ng dalawang panig. Dave Medina

The post US envoy: PH-US alliance ‘stronger than ever’ first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/us-envoy-ph-us-alliance-stronger-than-ever/feed/ 0
PNP sinalakay poultry farm sa Ifugao vs Bantag https://remate.ph/pnp-sinalakay-poultry-farm-sa-ifugao-vs-bantag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-sinalakay-poultry-farm-sa-ifugao-vs-bantag https://remate.ph/pnp-sinalakay-poultry-farm-sa-ifugao-vs-bantag/#respond Mon, 02 Nov 2026 08:03:28 +0000 https://remate.ph/?p=763253 MANILA, Philippines — Nagsagawa ng operasyon ang Philippine National Police (PNP) sa isang poultry farm sa Barangay Pugol, Lamut, Ifugao nitong Linggo, Nobyembre 1, sa paghahanap kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag. Gayunman, hindi natagpuan si Bantag sa lugar. Ayon sa PNP, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na nagtatago umano si […]

The post PNP sinalakay poultry farm sa Ifugao vs Bantag first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng operasyon ang Philippine National Police (PNP) sa isang poultry farm sa Barangay Pugol, Lamut, Ifugao nitong Linggo, Nobyembre 1, sa paghahanap kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Gayunman, hindi natagpuan si Bantag sa lugar.

Ayon sa PNP, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na nagtatago umano si Bantag sa poultry farm at nagpapanggap bilang isang poultry worker.

“However, he was not found at the location,” ayon sa pahayag ng PNP.

Patuloy na pinaghahanap si Bantag kaugnay ng kanyang umano’y pagkakasangkot sa pagpatay noong 2022 kay broadcaster Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Binigyang-diin ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na ipagpapatuloy ng pulisya ang pagtugis kay Bantag at ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.

Ani Nartatez, sisiyasatin ng mga awtoridad ang bawat impormasyong maaaring makatulong upang matunton ang dating BuCor chief.

Iginiit din niyang hindi itinuturing ng PNP na kabiguan ang hindi pagkakadakip kay Bantag sa pinakahuling operasyon.

Noong Abril 2023, naglabas ang Muntinlupa Regional Trial Court ng warrant of arrest laban kay Bantag kaugnay ng pagkamatay ni Jun Villamor, na tinukoy bilang umano’y middleman sa pagpatay kay Lapid.

Itinanggi ni Bantag ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nauna namang mag-alok ang Department of Justice ng P2 milyong pabuya para sa impormasyong hahantong sa kanyang pagkakaaresto.

Hinimok ng PNP ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ni Bantag. Mary Anne Sapico

The post PNP sinalakay poultry farm sa Ifugao vs Bantag first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pnp-sinalakay-poultry-farm-sa-ifugao-vs-bantag/feed/ 0
Mahigit 8,700 pasyente naasikaso ng PH Red Cross sa Undas 2026 https://remate.ph/mahigit-8700-pasyente-naasikaso-ng-ph-red-cross-sa-undas-2026/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-8700-pasyente-naasikaso-ng-ph-red-cross-sa-undas-2026 https://remate.ph/mahigit-8700-pasyente-naasikaso-ng-ph-red-cross-sa-undas-2026/#respond Mon, 02 Nov 2026 07:51:19 +0000 https://remate.ph/?p=763252 MANILA, Philippines — Umabot na sa 8,721 pasyente sa buong bansa ang naasikaso ng Philippine Red Cross (PRC) mula Oktubre 29 hanggang alas-9 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 2, kasabay ng paggunita ng Undas 2026. Ayon sa PRC, lahat ng naasikasong pasyente ay sumailalim sa vital signs monitoring. Sa kabuuang bilang, 359 ang naitalang minor […]

The post Mahigit 8,700 pasyente naasikaso ng PH Red Cross sa Undas 2026 first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Umabot na sa 8,721 pasyente sa buong bansa ang naasikaso ng Philippine Red Cross (PRC) mula Oktubre 29 hanggang alas-9 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 2, kasabay ng paggunita ng Undas 2026.

Ayon sa PRC, lahat ng naasikasong pasyente ay sumailalim sa vital signs monitoring.

Sa kabuuang bilang, 359 ang naitalang minor cases habang 19 naman ang itinuring na major cases.

Kabilang sa mga minor case ang pagkahilo, pananakit ng ulo, sugat, gasgas, kagat ng insekto, hirap sa paghinga, sprain, paso, hypertension, lagnat at mga pinsalang dulot ng motorcycle crash.

Samantala, kabilang sa major cases ang chest pain, seizure, suspected stroke, cardiac arrest, heat stroke at hirap sa paghinga.

Siyam na pasyente naman ang isinugod sa ospital dahil sa mga kondisyong gaya ng stroke, panghihina ng katawan, pagkawala ng malay at hypoglycemia.

Nakapagbigay rin ang PRC ng 297 welfare assistance services kabilang ang psychological first aid, referrals, tracing services at pamamahagi ng hot meals at food packs.

Nakapagbigay din ng wheelchair assistance sa 25 indibidwal, tubig sa 149 katao at iba pang information at education materials.

Para sa Undas operations, nag-deploy ang PRC ng 1,977 personnel sa buong bansa, kabilang ang 132 staff at 1,845 volunteers.

Kabilang din sa kanilang deployed assets ang 73 ambulansya, 404 first aid stations, 131 welfare desks, 45 foot patrols at 32 mobile units.

Pinakamaraming deployment points ang nasa mga sementeryo, na umabot sa 349 lugar sa buong bansa.

Nakatakdang magpatuloy ang PRC Undas Operation 2026 hanggang Nobyembre 3. Dave Medina

The post Mahigit 8,700 pasyente naasikaso ng PH Red Cross sa Undas 2026 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mahigit-8700-pasyente-naasikaso-ng-ph-red-cross-sa-undas-2026/feed/ 0
VP Sara dinalaw puntod ng kanyang lolo’t lola https://remate.ph/vp-sara-dinalaw-puntod-ng-kanyang-lolot-lola/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vp-sara-dinalaw-puntod-ng-kanyang-lolot-lola https://remate.ph/vp-sara-dinalaw-puntod-ng-kanyang-lolot-lola/#respond Mon, 02 Nov 2026 07:40:10 +0000 https://remate.ph/?p=763251 MANILA, Philippines — Dinalaw ni Vice President Sara Duterte ang puntod ng kanyang paternal grandparents na sina Vicente at Soledad Duterte bilang bahagi ng paggunita sa Undas. Ibinahagi ni Duterte nitong Lunes, Nobyembre 2, sa social media ang larawan ng kanyang pagdalaw sa puntod ng mga magulang ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo […]

The post VP Sara dinalaw puntod ng kanyang lolo’t lola first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Dinalaw ni Vice President Sara Duterte ang puntod ng kanyang paternal grandparents na sina Vicente at Soledad Duterte bilang bahagi ng paggunita sa Undas.

Ibinahagi ni Duterte nitong Lunes, Nobyembre 2, sa social media ang larawan ng kanyang pagdalaw sa puntod ng mga magulang ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kamakailan ay binisita natin ang libingan ng aking lolo at lola na sina Vicente at Soledad Duterte upang mag-alay ng panalangin at hilingin ang kanilang payapang pamamahinga sa kabilang buhay,” ani Duterte.

Isinama rin ng Bise Presidente sa kanyang post ang Bible verse mula sa Revelation 21:4 na tumutukoy sa pagkawala ng kamatayan, kalungkutan, pag-iyak at sakit.

Nauna ring nagbigay-pugay si Duterte sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Holy Cross Memorial Gardens sa Tacloban City.

Nag-alay siya roon ng mga bulaklak, nagsindi ng kandila at nanalangin para sa mga nasawi sa kalamidad.

Dinalaw din niya kamakailan ang Ormoc City Public Cemetery Mass Grave Memorial para alalahanin ang mga biktima ng 1991 flash flood sa Ormoc City. Dave Medina

The post VP Sara dinalaw puntod ng kanyang lolo’t lola first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/vp-sara-dinalaw-puntod-ng-kanyang-lolot-lola/feed/ 0
Pamilya ng mga ‘desaparecidos’ muling nanawagan ng hustisya ngayong Undas https://remate.ph/pamilya-ng-mga-desaparecidos-muling-nanawagan-ng-hustisya-ngayong-undas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pamilya-ng-mga-desaparecidos-muling-nanawagan-ng-hustisya-ngayong-undas https://remate.ph/pamilya-ng-mga-desaparecidos-muling-nanawagan-ng-hustisya-ngayong-undas/#respond Mon, 02 Nov 2026 07:29:02 +0000 https://remate.ph/?p=763250 MANILA, Philippines — Nagtipon ang mga pamilya ng mga biktima ng enforced disappearance ngayong All Souls’ Day, Nobyembre 2, upang alalahanin ang kanilang mga nawawalang mahal sa buhay at muling manawagan para sa katotohanan at hustisya. Kasama ang human rights groups na Desaparecidos at KARAPATAN, nagsagawa ang mga pamilya ng pagtitipon sa Claret School Chapel […]

The post Pamilya ng mga ‘desaparecidos’ muling nanawagan ng hustisya ngayong Undas first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Nagtipon ang mga pamilya ng mga biktima ng enforced disappearance ngayong All Souls’ Day, Nobyembre 2, upang alalahanin ang kanilang mga nawawalang mahal sa buhay at muling manawagan para sa katotohanan at hustisya.

Kasama ang human rights groups na Desaparecidos at KARAPATAN, nagsagawa ang mga pamilya ng pagtitipon sa Claret School Chapel sa UP Village, Quezon City.

(c) Danny Querubin

Sa halip na dumalaw sa mga puntod ngayong Undas, nagsama-sama ang mga pamilya upang alalahanin ang mga mahal sa buhay na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang kinaroroonan.

Patuloy nilang isinusulong ang panawagang “Surface All Desaparecidos” at hinihiling na matukoy ang sinapit ng mga nawawala at mapanagot ang mga responsable sa kanilang pagkawala.

Taun-taon nang nagsasagawa ang Desaparecidos at KARAPATAN ng ganitong paggunita tuwing All Souls’ Day bilang pagpapaalala sa mga kaso ng enforced disappearance sa bansa.

Ayon sa KARAPATAN, mahigit 1,900 biktima ng enforced disappearance ang kanilang naidokumento mula pa noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Mula naman nang ipatupad ang writ of amparo noong 2007, sinabi ng grupo na 272 kaso ng enforced disappearance ang kanilang naitala, kabilang ang 17 sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Noong Agosto, nagsumite rin ang mga pamilya ng mga desaparecido ng liham sa Supreme Court na humihiling ng masusing pagrepaso sa writs of amparo at habeas data.

Ayon sa kanila, bagama’t idinisenyo ang mga legal remedy na ito upang protektahan ang mga biktima at kanilang pamilya, nakaranas umano sila ng delays, procedural obstacles at kakulangan sa pagpapatupad ng mga kautusan ng korte.

Kabilang sa mga matagal nang hinahanap ng kanilang pamilya ang activist na si Jonas Burgos, gayundin sina Dexter Capuyan, Gene Roz Jamil “Bazoo” de Jesus, James Jazmines at Felix Salaveria Jr.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10353 o Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012, ipinagbabawal at ginawang krimen sa Pilipinas ang enforced o involuntary disappearance.

Iginiit naman ng Desaparecidos at KARAPATAN na ipagpapatuloy nila ang paghahanap sa mga nawawala at ang panawagan para sa pananagutan habang wala pang malinaw na kasagutan ang kanilang mga pamilya.

The post Pamilya ng mga ‘desaparecidos’ muling nanawagan ng hustisya ngayong Undas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pamilya-ng-mga-desaparecidos-muling-nanawagan-ng-hustisya-ngayong-undas/feed/ 0