Home NATIONWIDE Catholic cardinals nagtipon-tipon bago mag-conclave

Catholic cardinals nagtipon-tipon bago mag-conclave

163
0

VATICAN – Nagtipon ang mga Catholic cardinals bago ang conclave para maghalal ng bagong Papa na nanawagan nitong Martes, Mayo 6, para sa tigil-putukan at negosasyong pangkapayapaan nang walang paunang kondisyon sa Ukraine at sa Gitnang Silangan.

Sa isang pahayag, “nabanggit nila nang may panghihinayang na walang pag-unlad sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Ukraine, Gitnang Silangan at marami pang ibang bahagi ng mundo.”

Taos-puso silang umapela sa lahat ng mga partidong kasangkor na maabot sa lalong madaling panahon ang isang permanenteng tigil-putukan at makipag-ayos, nang walang paunang kondisyon” ng isang pangmatagalang kapayapaan.

Naglabas ng pahayag ang mga cardinal pagkatapos ng kanilang huling pagpupulong sa paghahanda sa Vatican bago ang Conclave upang pumili ng bagong Papa.

Ang namayapang Pope Francis, na pumanaw noong Abril 21 pagkatapos ng 12 taon bilang pinuno ng 1.4 bilyong Katoliko sa mundo, ay paulit-ulit na nanawagan para sa kapayapaan sa buong mundo — kasama ang kanyang huling mensahe noong Easter Sunday, isang araw bago siya namatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here