MANILA, Philippines — Nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahang medalya ng 2026 Asian Games matapos sumungkit ng bronze sa soft tennis event kahapon sa Higashiyama Park Tennis Center.
Ang Pilipinas, na nakatitiyak na sa ikatlong puwesto, ay bumagsak laban sa reigning Asian Games champion Japan, 2-0, upang makuha ang bronze medal.
Sa unang laban ng team event, tinalo nina Kiho Miyamae at Rio Maeda sina Princess Catindig at Noelle Manalac, 4-0, 4-1, 4-2, 4-0 at 4-1, para makuha ang 1-0 lead.
At sa ikalawang laban, dinaig ni Ayaka Iwakura si Cristy Sanosa, 4-0, 4-1, 4-2 at 4-2, para tulungan ang Japan na maabot ang final round.
Gayunpaman, ito ay isang makasaysayang medalya para sa Pilipinas sa soft tennis, bilang kauna-unahang medalya ng Asian Games para sa bansa sa isport.
Tinapos ng Pilipinas ang paglalaro ng grupo na may 2-1 win-loss record, matapos manalo laban sa Mongolia at Thailand bago bumagsak laban sa Chinese Taipei.JC