RR Enriquez, Pambansang Sawsawera pero aniya “in a good way.”
RR’s male counterpart, Xian Gaza.
Eto ang karagdagan sa humahabang listahan ng mga pambansa–Miss Universe 2018 Catriona Gray.
As far as the rabid pageant fans are concerned, ibinibigay ng mga ito ang bansag sa kanya bilang Pambansang Coping Mechanism.
Anila, it’s been six years na hindi pa nasusundan ang sumunod sa kanya sa Miss Universe.
Gayunpaman, positibo si Cat na: “We’ll have our sixth Miss Universe crown!”
Flattered din daw siya na paulit-ulit na pinanonood ang naging performance niya sa MU held in Thailand.
“Natatawa ako sa mga fans!” ani Cat na partikular na ikinaaaliw niya ang pagbibigay pansin sa kanyang slow-mo na pagrampa sa swimsuit event.
It’s somerhing daw na doon lang niya ginawa.
Kahit sunud-sunod man ang ika nga’y dry spell ng bansa, Catriona believes that a potential winner in the MU after her is someone who’ll shine in the Q & A portion.
“That’s only my opinion, ha?” paglilinaw niya.
Pero ang dapat daw taglayin ng isang deserving MU ay “gigil factor.”
Asked to qualify what she meant by that, Catriona says: “It’s being consistent the moment you step out of the house! Give it your 110%.”
Sa kanya ring palagay, ang kauna-unahang winner from Denmark ay masasabing peg pagdating sa husay sa Q & A portion. Ronnie Carrasco III