Shapol pogi sa ruweda ang mga manok ni Ka Rex Cayanong kaya muli itong nag kampeon sa Set B ng 5- Stag Derby AEJ Game Farm na binitawan sa Mataas na Kahoy Cockpit sa Batangas noong Setyembre 28.
Kuminang ang entry name na KA REX 1.5M No Pot 6-STAG B-DAY DERBY NOV 5 Pasay, nakipabsanib puwersa si Cayanong sa sikat at mahusay na breeder sa bansa na si Jap Gagalac.
Combined entry sina Cayanong at Gagalac, yumanig ang mga palo ng warriors nila sa ruweda kaya umiskor ito ng perfect five points at mag kampeon sa palaban ni Arnold Dela Cruz ng AEJ GameFarm.
Showtime ang unang pinupog ng mga manok nina sabong sensation Cayanong at Gagalac, tinalo ang panlaban ni Vanesa Joy ng AEJ GameFarm na saglit lang trinabaho, sunod ang Das Oct. 11 5-STAG STA. RITA, pangatlo ang entry na Kabira Bira.
Gumamit si Cayanong ng apat na puti at isang pula at sa pang-apat na laban ay dinurog at hindi pinaporma ang entry na December 10 Super Big Event ni Mr Guy na pag aari ni Teejay Virtucio at huling pinagpag ang ECL TRIO DOS NOV. 3 2-STAG DARASA.
Ang handler na si Ivan Celeste ang naghanda ng mga panlaban, siya rin ang Gaffer, katuwang ang team LiveWire.
Nag solo champion si veteran broadcast journalist, Cayanong sa Big Event Early Bird Edition, 6-Stag Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum sa Antipolo City noong Agosto 20.
Samantala, puspusan na ang paghahanda ng mga breeders at sabungero para lahukan ang palaban ni Cayanong na “Ka Rex B-Day 1.5M 6-Stag National Invitational Derby na gaganapin sa Pasay Cockpit Arena sa Nobyembre 5.