Home OPINION ‘KALINGA NI ATE’ HINDI RAMDAM  

‘KALINGA NI ATE’ HINDI RAMDAM  

KAMAKAILAN, “dinumog” ang harap ng Manila City Hall ng mga residente ng Tondo na nasunog ang mga bahay.

Ang tinutukoy natin ay ang mga “nasunugan” noong Setyembre 14 sa kahabaan ng Road 10 sa Aroma, at hindi ang mga nasunugan nito lang Linggo sa Brgy. 25 kung saan 6-katao ang iniulat na namatay.

Ayon sa mga nagrali sa City Hall, higit isang linggo na ang trahedya subalit, hindi pa rin nila “ramdam” ang ipinagyayabang na “kalinga” nitong nagpipilit na “ate” ni Yorme Isko na si Mayora Honey Lacuna.

Sa himutok naman sa atin ng mga “iskolar” ng Maynila d’yan sa Unibersidad de Manila, kahit mga tinedyer pa lang sila, “aligaga” na sila ng paghahanap ng ‘sideline’ para lang matustusan ang kanilang pag-aaral, katulad ng pagiging ‘part-time’ sa restobars at fastfood chains.

Dangan nga kasi, incoming vice mayor, Chi Atienza, 7-buwan palang ‘delayed’ ang kakarampot nilang ‘allowance’ na aabot lang sa isang libo kada buwan, aguy!

 Ang siste pa, dahil ‘quarterly’ ang “bigayan,” ang unang 3-libo lang ang naibibigay sa kanila at ang balanse, “nganga” sila kung kailan matatanggap, hehehe, ayy, huhuhu!

Sa totoo lang, ‘andaming pwedeng pagkunan ng pondo nitong si ‘Ate Honey,’ katulad ng “katas” mula sa MTPB—Manila Traffic and Parking Business, err, Bureau—kung sadyang mahalaga sa kanya ang boto ng ‘young generation’ katulad ng mga estudyante o may malasakit siya sa kanilang kinabukasan.

Nito namang Biyernes, ‘muntik tayong nahabag sa mga kapatid sa media na nagpunta para i-cover ang isang event na dinaluhan ni Mayora Honey.

Bakit ‘kanyo, dear readers? Inabot na kasi sila ng dilim sa pag-cover dito kay Mayora Honey, hindi pala sila kasama sa pakakainin, nyeh!

Sabagay, ang pagtrato sa media ang sinasabing isa sa ‘weakest link’ sa pakikitungo ni Lacuna.

Translation? “Tayo” ang nakaltasan sa kanilang hapunan, ahahay!