Home HOME BANNER STORY Cayetano binatikos ni Lacson sa pagsuway sa Avelino v Cuenco SC ruling

Cayetano binatikos ni Lacson sa pagsuway sa Avelino v Cuenco SC ruling

1
0

MANILA, Philippines – Walang disenteng pag-uugali o paggalang man sa rule of law ang disgrasyadong ex-Senate President na si Alan Peter Cayetano na tulad ni dating Senate President Jose Avelino upang idaan sa Korte Suprema ang kanyang alitan sa bagong pamunuan ng Senado, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Biyernes.

Ani Lacson, habang naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Avelino upang resolbahin ang sigalot sa pamumuno laban kay Mariano Cuenco, pinili ni Cayetano na gumamit ng maruming paraan.

“Thank you Philstar for plainly explaining all the similarities in the two Senate controversies; the only difference being – Avelino brought his case to the Supreme Court. Cayetano does not have Avelino’s decency and respect for the same rule of law,” aniya sa isang post sa X.

Tinutukoy niya ang isang artikulo ng Philstar.com na naghahambing sa pagbabago ng pamunuan ng Senado noong Hunyo 3 at sa mga pangyayari noong Pebrero 18, 1949 na humantong sa pagpapalit kay noon ay Senate President Avelino.

Noong 1949, gumamit si Avelino at ang kanyang mga kaalyado ng mga dilatory tactics upang pigilan si Sen. Lorenzo Tanada sa pagbigkas ng isang privilege speech na naglalaman ng mga paratang laban kay Avelino.

Nilisan ni Avelino ang bulwagan, nguni’t ipinagpatuloy ng 12 natitirang senador ang sesyon at itinalaga si Cuenco bilang presiding officer.

Pinasa ng mga senador ang isang resolusyon na nagdedeklarang bakante ang posisyon ng Senate President, at inihalal si Cuenco bilang acting Senate President.

Noong Hunyo 3, 12 senador — ang 11 miyembro ng noo’y minorya at si Sen. Francis Escudero — ang nagpulong sa kabila ng boycott na pinangunahan ni Cayetano at ng noo’y mayorya.

Sa paggiit na may quorum noong Miyerkules, binanggit ng bagong mayorya, na naghalal kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President, ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong Avelino v. Cuenco.

Nguni’t pinilit ni Cayetano na siya pa rin ang Senate President at dumalo kasama ang ilan sa kanyang mga tagasuporta noong Huwebes — isang araw matapos mag-adjourn sine die ang Senado — at nagsagawa ng umano’y pagdinig ng komite.

Binatikos ni Lacson si Cayetano nitong Huwebes dahil sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa aniya’y huwad na pagdinig, “without an iota of evidence or even a tiny bit of basis or reason except to pull me into a corruption controversy.”

“He exposed his loathsome behavior by using overstretched innuendos. He is disgusting,” sabi ni Lacson tungkol kay Cayetano. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here