MANILA, Philippines – Mahigpit na sinupotahan nina Senado Pia Cayetano at JV Ejercito ang panukalang magkaroon ng total ban sa pagbebenta ng disposable vapes sa bansa dahil walang buwis na nakukuha ang pamahalaan.
Sa magkaniwalay na pananaw, tinukoy ni Cayetano, ilan sa senador na tumututol sa naisabatas na Republic Act 11900 o ang Vape Law, sa kanyang posisyon ang taliwas na epekto ng vape tulad ng sigarilyo sa kalusugan at kapaligiran dahil malaking bahagi ng disposable vape ang nababasura lamang.
“I support the banning of disposable vapes…Vapes are very dangerous…Do not buy the argument that it is safer for you or healthier. There is no scientific proof yet that it is safe for you,” ayon kay Cayetano, vice chairperson ng Senate health committee.
“This disposable is even worse for the environment because you throw it away after using it, similar to the single-use plastic bag, right? The young people already know. The young people on their own are doing their part in not contributing to the garbage,” aniya.
Ayon naman kay Ejercito, nagsisilbi din na vice chairman ng Senate health committee, na kanyang sinusuportahan ang panuala dahil hind rehistrado at hindi nagbabayad ng buwis ang industriya ng vape kahit itinakda ng batas.
“Hindi pala nagbabayad ng tax. That’s already a blatant violation. Kumbaga smuggled lahat yan…Talagang dapat i-ban na yan. Unang-una, it’s unhealthy tapos hindi pa nagbabayad ng tax,” ayon kay Ejercito.
Naunang Ipinalutang ni Finance Secretary Ralph Recto ang posibilidad na ipagbawal ang pagbebenta ng disposable vapes sa bansa.
Sinuportahan din ang panukala ng Department of Health, na tumutukoy sa pangkalahatang resulta ng vape products na nakakasira sa kalusugan ng tao kabilang ang e-cigarette o vaping product use-associated lung injury (EVALI), nicotine addiction, at respiratory at cardiovascular diseases.
Hindi rechargeable device ang disposable vape na may sarili na itong baterya at may laman ng likido. Naibebenta o nabibili ang disposable vapes na tila isang sitsirya na nakakabili ang kabataan kahit ipinagbabawal ito sa loob ng paaralan, elementarya man o sekondarya. Ernie Reyes