Home METRO Lasing na katiwala sa farm tigok sa bantay-bayan

Lasing na katiwala sa farm tigok sa bantay-bayan

CAVITE – Isang 39-anyos na caretaker ng farm ang namatay makaraang barilin ng isang bantay-bayan matapos sawayin dahil sa kalasingan sa Barangay De Ocampo, Trece Martires City.

Sa report, naisugod pa sa Gentri Medical Center ang biktimang si alyas ‘Michael’ ng Brgy De Ocampo, nasa hustong gulang, dahil sa tama ng bala sa katawan mula sa ginamit na kalibre 22 na baril mula sa suspek na si alyas ‘Elmer’, 44, may-asawa, isang Bantay Bayan ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-1:00 ng hapo sinaway ng suspek ang biktima dahil sa kalasingan na minasama ng huli na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Tinangkang atakehin umano ng biktima ang Bantay Bayan dahilan upang barilin nito gamit ang kanyang kalibre 22 na baril.

Dinala ang biktima sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot dahil sa tinanong bala sa ulo at dibdib habang ang suspek ay naaresto sa isinagawang follo- up operation. Margie Bautista 

Previous articleCBCP tutol sa pagmay-ari ng sibilyan ng semi-automatic weapon
Next articleCayetano, JV pabor sa total ban ng disposable vapes