Home NATIONWIDE Cayetano nanawagan ng pagkakaisa at pananagutan sa gitna ng pangamba sa ekonomiya

Cayetano nanawagan ng pagkakaisa at pananagutan sa gitna ng pangamba sa ekonomiya

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan at mga lokal na komunidad na magtulungan upang masuportahan ang mga Pilipinong higit na nangangailangan, kasabay ng babala na posibleng mas maraming pamilya ang makaranas ng matinding hirap bago sumapit ang Pasko kung patuloy ang paghina ng ekonomiya.

Sa kanyang online broadcast nitong Sabado, August 1, sinabi ni Cayetano na sana ay hindi na lalala pa ang kalagayan ng ekonomiya habang papalapit ang huling bahagi ng taon.

Ayon sa senador, tungkulin ng gobyerno na maihatid ang mga pangunahing serbisyo at tiyaking nagagamit nang tama ang pondo ng bayan.

Gayunpaman, iginiit niyang hindi dapat iasa lamang sa pamahalaan ang pagtulong sa mga nangangailangan dahil pananagutan din ito ng bawat mamamayan at ng buong komunidad.

“When we say, ‘whose job is it?’ huwag tayong magturo kaagad na ‘trabaho ng gobyerno y’an.’ I-include rin natin ang ating sarili kasi the more na we think as a community, as a bigger family, the more na makakaraos tayo,” wika niya.

Hinimok din ni Cayetano ang publiko na huwag mawalan ng tiwala sa kapwa at ipagpatuloy ang pagtutulungan sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng bansa.

“Let’s not give up on people because God did not give up on us. Y’ung responsibility natin, hindi lang sa [ating] sarili at pamilya, nandun din sa ating community. If we help each other, the government [also] can help those who cannot help themselves,” wika niya.

Nanawagan ang Minority Leader ng pagkakaisa sa kabila ng magkakaibang pananaw sa pulitika, at iginiit na dapat manatiling sama-sama ang mga Pilipino habang pinananagot ang pamahalaan sa maayos na paghahatid ng serbisyo publiko.

“We can have different views on certain things, but [we can] still act like family,” wika ni Cayetano.

“Let’s demand from the government to give their best [so that] we [can] get the best from the government,” dagdag niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here