Home NATIONWIDE Cebu dumpsite, kakalkalin ng Senado

Cebu dumpsite, kakalkalin ng Senado

210
0

MANILA, Philippines – NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon na humihiling ng imbestigasyon sa pagguho ng dumpsite of basurahan sa Binaliw, Cebu, isang insidente na ikinasawi ng higit sa 30 katao at nagresulta sa pagkapinsala ng marami pang iba.

Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution No. 277, sinabi ni Gatchalian na ang mga nangyari sa likod ng pagguho ng landfill noong Enero 8, 2026 ay nagbubunsod ng maraming katanungan, kabilang ang mga pamantayan sa disenyo ng dumpsite, operasyon nito, pagsunod sa umiiral na mga regulasyon, at kung sapat o hindi ang mga mekanismo ng pagbabantay ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

“Kung hindi natin maitutuwid ang mga panuntunan, malaki ang posibilidad na maulit ang ganitong trahedya sa iba pang mga dumpsite o landfill na maglalagay sa panganib sa mga komunidad at maging sa mga manggagawa,” ani Gatchalian.

Layon ng resolution na matukoy ang mga sanhi ng pagguho, masuri ang pagsunod sa environmental engineering at safety standards, tignan ang naging aksyon ng mga pambansa at lokal na ahensya ng pamahalaan, at makabuo ng mga hakbang sa batas at polisiya upang patatagin ang mga pamantayan sa kaligtasan ng mga landfill.

Sinabi rin ni Gatchalian na ang naganap sa Binaliw ay hindi ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganoong klaseng trahedya.

Ipinapaalala nito ang pagguho ng Payatas dumpsite noong taong 2000 na nagbaon sa mahigit 200 katao, ay nagpapatunay sa patuloy na panganib na dulot ng mga pasilidad sa pagtatapon ng basura na hindi maayos ang pamamahala.

Samantala, nais namang panagutin ng mga pamilya ng mga biktima ang mga opisyal ng dumpsite na sina Kara Peralta na presidente ng kompanya, Paul Puthenpurekal na Indian national na technical manager, Nino Abellan na general manager at James Flores na head of operations.Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here