Home OPINION MAG-INGAT SA MGA PEKENG PHILHEALTH WEBSITES

MAG-INGAT SA MGA PEKENG PHILHEALTH WEBSITES

173
0

NAGLABAS agad ng isang babala ang Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) sa lahat ng miyembro nito at sa publiko kaugnay ng paglipana ng mga pekeng website na nagpapanggap na opisyal na portal para sa rehistrasyon at serbisyo.

Ayon kay PhilHealth President at CEO, Dr. Edwin M. Mercado, nakarating sa kanilang ka­alaman na may mga kahina-hinalang website na nanggaga­ya sa interface ng PhilHealth upang linlangin ang mga user at makuha ang kanilang sensiti­bong impormasyon.

“Hinihimok namin ang lahat na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga alituntuning ito upang matukoy ang lehitimong plataporma,” ani Dr. Mercado.

“We take the security of our members’ information seriously, and we encourage the public to only use our official website for any transactions and to report any suspicious links or pages immediately,” dagdag ni Dr. Mercado.

Mga ‘Red Flag’ na Dapat Bantayan

Nagbigay ang PhilHealth ng mga gabay upang hindi mabiktima ng scam:

• Maling URL/Web Address: Ang tanging opisyal na website ay ang www.philhealth.gov.ph. Mag-ingat sa mga site na nagtatapos sa .com, .net, o iba pang extension. Ang mga opisyal na site ng gobyerno ay karaniwang nagtatapos sa .gov.ph.

• Paggamit ng Logo: Ma­dalas gumagamit ang mga scammer ng malabo o luma nang bersyon ng logo ng PhilHealth.

• Paghingi ng Sensitibong Impormasyon: Binigyang-diin ng ahensya na kailanman ay hindi sila hihingi ng mga sumusunod sa pamamagitan ng

hindi opisyal na website:

1. Direktang bayad o bank transfer.
2. Donasyon.
3. Login credentials o password sa labas ng secured Member Portal.

Saan Mag-uulat?

Hinihikayat ang publiko na huwag i-click ang anomang link mula sa kahina-hinalang site at agad itong iulat sa mga sumusunod na opisyal na channel:

• Facebook: @PhilHealthOffi­cial
• Email: [email protected]
• Corporate Action Center: (02) 866-225-88
• Mobile Hotlines:
Smart: 0998-857-2957 / 0968- 865-4670
Globe: 0917-127-5987 / 0917- 110-9812

“Seryoso kami sa pagpro­tek­ta sa impormasyon ng aming mga miyembro,” dagdag ni Dr. Mercado.

“Magtulungan tayo upang pi­gilan ang online fraud at protektahan ang inyong mga benepis­yo.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here