MANILA, Philippines- Nakatakdang ilunsad ng Cebu Pacific, ang nangungunang budget carrier ng bansa, ang direct flights sa pagitan ng Cebu at Ho Chi Minh City, Vietnam sa Abril
Sinabi ng Cebu Pacific nitong Huwebes na magsisimula ang flights sa April 7 at magiging available tatlong beses sa isang linggo– tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
“As Vietnam continues to grow in popularity among Filipino travelers, launching a new gateway to the country via Ho Chi Minh City is an exciting step for Cebu Pacific,” pahayag ni Cebu Pacific President at Chief Commercial Officer Xander Lao.
Upang i-promote ang bagong ruta, nag-aalok ang airline ng flights mula ₱1 para sa one-way base fare, eksklusibo sa fees at surcharges, hanggang Lunes, Feb. 24.
Ang travel period para sa flights na na-book sa ilalim ng promo na ito ay mula April 7 hanggang July 31, 2025.
Dating kilala bilang Saigon, ang Ho Chi Minh City ay tinukoy na economic heart ng Vietnam.
“We look forward to offering travelers from Cebu the chance to explore a new destination more seamlessly, and to welcoming more international visitors to discover the Philippines,” wika ni Lao. RNT/SA