MANILA, Philippines- Hinimok ni Chairman Allan Franza ng Barangay Matandang Balara, Quezon City ang kanyang mga nasasakupan na kolektahin ang lahat ng uri ng mga lumang gulong at papalitan nila ito sa mga hollow block na gagamitin bilang proteksyon sa bubong laban sa malakas na hangin.
Ang mga lumang gulong ay kilalang pinagmumulan ng lamok. Ito ay sa gitna ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Quezon City at iba pang lungsod. Danny Querubin