Lumabas sa isang pag-aaral ng pamahalaan ng Netherlands na tumaas ang konsentrasyon ng mga estudyante matapos ipagbawal ang paggamit ng cellphone at iba pang electronic devices sa mga paaralan.
Sa 317 high schools na sinuri, 75% ang nagsabing gumanda ang pokus ng mga mag-aaral, halos dalawang-katlo ang nakapansin ng mas maayos na ugnayan sa isa’t isa, at isang-katlo ang nagtala ng mas magandang academic performance.
“Less distraction, more attention to the lesson, and more social students. No more mobile phones in the classroom is having wonderful positive effects. It’s great that schools are putting their shoulders to the wheel on this,” ani State Secretary for Primary and Secondary Education Marielle Paul.
Sinimulan ang ban noong Enero 1, 2024, at sakop din ang mga primary schools, maliban sa mga device na gamit sa medikal na pangangailangan. RNT