Home HOME BANNER STORY 15 parak na idinawit sa missing sabungeros, hinigpitan – DOJ

15 parak na idinawit sa missing sabungeros, hinigpitan – DOJ

213
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Department of Justice (DOJ) na nasa ilalim na ng “restricted duty” ang 15 pulis na sangkot umano sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Hindi na sila pinapayagang lumahok sa mga operasyon at kailangang mag-report sa mga itinalagang opisina.

“There are now restrictions on 15 members of the Philippine National Police involved in the missing ‘sabungeros’ case. They are now on restricted duty and are required to report to designated offices so they can no longer participate in operations,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Tiniyak ni Remulla sa mga pamilya ng mga biktima na ginagawa ng DOJ ang lahat para malutas ang kaso. Nagbigay siya ng update sa kanila matapos ang isang pagpupulong ngayong Biyernes.

Ayon kay whistleblower Julie “Totoy” Patidongan, isang sindikato na binubuo ng 20 makapangyarihang negosyante—tinaguriang “Alpha” group—ang nasa likod ng mga pagdukot, sa tulong umano ng ilang tiwaling pulis. Sinabi rin niyang may mga biktimang itinapon sa Taal Lake. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here