Home NATIONWIDE 13 tigok, 23 batang campers nawawala sa malawakang baha sa Texas

13 tigok, 23 batang campers nawawala sa malawakang baha sa Texas

203
0

HOUSTON – Nasawi ang nasa 13 katao at umabot sa 23 batang babae ang nawawala mula sa isang summer camp bunsod ng matinding pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Guadalupe River sa Kerr County, Texas.

Biglaang dumaloy ang baha bago sumikat ang araw kaya walang naging babala o evacuation order.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad sa 23 nawawalang mga batang babae sa Camp Mystic, isang pribadong Christian summer camp, kung saan nawalan ng kuryente at komunikasyon.

Gumamit na ng mga helicopter, drone, at daan-daang tauhan ng rescue operations ang paghahanap at pagsagip.

Ayon sa mga opisyal, tumaas ang tubig sa Guadalupe River ng 8 metro sa loob ng 45 minuto, at may banta pa ng karagdagang pagbaha sa rehiyon mula San Antonio hanggang Waco. Nanganganib din ang Llano River sa kalapit na Mason County.

Nagtulungan ang US Coast Guard at FEMA para tumulong sa operasyon ng pagsagip. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here