Home NATIONWIDE Cendaña kay Dela Rosa: Katapangan gamitin sa China, ICC

Cendaña kay Dela Rosa: Katapangan gamitin sa China, ICC

MANILA, Philippines – Bumwelta si Akbayan Party-list Rep. Percival Cendaña nitong Sabado, Pebrero 8 sa banta umano ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na susuntukin ito, sa pagsasabing dapat ay ginagamit ng senador ang katapangan nito sa China at International Criminal Court (ICC).

Ito ay nag-ugat sa komento ni Dela Rosa sa naging pahayag at reaksyon ni Cendana sa sinabi naman ni Vice President Sara Duterte na mas masakit pa ang mawalan ng partner kaysa ang maipa-impeach ng Kamara.

Sa naturang post, sinabi ni Cendana na ang impeachment ay hindi isang uri ng romantic relationship ngunit isang public accountability at liability.

Bagama’t hindi tuluyang pinangalanan ni Cendana si Dela Rosa, sinabi ng mambabatas na mayroong isang senador na nais umano siyang suntukin.

“Mhie, sasapakin daw ako ng isang senador? Ang “tapang” naman ni koya. Sana ganyan din siya katapang laban sa China sa WPS [West Philippine Sea] at sa pagharap sa ICC,” sinabi ni Cendaña.

Ipinunto kasi ni Dela Rosa ang mukha ni Cendana at sinabing susuntukin niya ito para maging balanse ang hubog ng mukha nito. RNT/JGC