Home NATIONWIDE P9M pekeng electronics nakumpiska sa isang tindahan

P9M pekeng electronics nakumpiska sa isang tindahan

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P9 milyong halaga ng pekeng television units sa isang electronics store na pagmamay-ari ng ilang Chinese sa loob ng Subic Bay Freeport sa Zambales.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Police Captain Jan Michael Jardin, nagsilbi ng search warrant ang mga awtoridad sa Enjoy Electronics Subic International na matatagpuan sa Corregidor Highway sa Ilanin West District noong Huwebes, Pebrero 6.

Ito ay bahagi ng Oplan Megashopper campaign ng mga awtoridad.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Sheryll Dolendo Tulabing of Regional Trial Court Branch 28, Manila sa paglabag sa Section 155 in relation to Section 170 ng Republic Act 8293 o law titled Trademark Infringement.

Ani Jardin, kasama sa operasyon ang mga tauhan ng SBMA Intelligence and Investigation Office, at SBMA Law Enforcement Department.

Sa ngayon ay hindi pa nahahanap ang mga opisyal ng kompanya na sina Zuhai Huang, Wang Teng Teng, Huang Xiaoping at Huang Wufa. RNT/JGC