MANILA, Philippines – Patay ang 70-anyos na lolo matapos itong atakihin ng kalabaw sa Barangay Dapdap, Pilar, Camotes Island.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Samuel Contridas.
Ayon kay Police Master Sergeant Julius Navarro, desk officer ng Pilar Police Station, nangangalap ng panggatong ang biktima sa bulubunduking bahagi ng barangay nitong Biyernes nang bigla na lamang atakihin ng kalabaw.
Ani Navarro, tumarak ang sungay ng kalabaw sa tiyan ng lalaki na dahilan ng kamatayan nito.
Natagpuan ng mga kaanak ang wala nang buhay na biktima ilang oras matapos ang insidente.
Sa ulat, nakawala ang kalabaw sa pagkakatali nito sa isang puno at naging agresibo. RNT/JGC