MANILA, Philippines – Inihain ni Senador Loren Legarda ang National Public Service College Act of 2025, isang landmark bill na layong magtayo ng National Public Service College (NPSC) bilang premier training ground ng bansa para sa future government leaders.
Hindi katulad ng tradisyunal na academic institutions, ang NPSC ay mag-aalok ng curriculum na idinisenyo ng key government agencies para palakasin ang mga estudyante sa
technical, administrative, at leadership skills na angkop para sa public service.
“The youth are often seen as the future of our nation, and we must harness their energy, innovation, and leadership potential by providing them with sufficient tools and real opportunities to shape governance. This bill seeks to establish a structured, merit-based pathway for young Filipinos who are eager to serve in government,” giit ni Legarda.
Hanggang noong Hunyo 2024, iniulat ng Civil Service Commission (CSC) na ang mga empleyado sa edad 18 hanggang 25 taong gulang ay bumubuo lamang sa 1.56% ng Philippine government workforce.
Samantala, ang mga edad 26 hanggang 35 ay bumubuo sa 29.63%, at ang 18-35 anyos ay may hawak ng 31.15% ng 2nd Level Career Service.
Sa kabila ng malakas na presensya sa government personnel service, ang mga edad 18 hanggang 35, 16.74% lamang ang may hawak ng elected positions.
Pinakamarami ang nasa 36 hanggang 65 na age group kung saan nasa 68.81% ang may hawak ng workforce, 68.85% ng second level career service, at 83.26% ng elective roles.
Sasakupin ng panukalang curriculum ang key areas na kailangan para sa public service.
Kabilang dito ang Constitutional at Legal Frameworks, katuald ng 1987 Constitution, Administrative Code, at Local Government Code.
Bilang core courses, pag-aaralan din ng mga estudyante ang Strategic Planning, Budgeting, Procurement, Implementation, Digital Governance, Monitoring, Evaluation, Futures Thinking at Public Policy Development.
Iaalok din ang Specialized subjects gaya ng Foreign Affairs, Social Work, Disaster Risk Management, at iba pa.
Bibigyang diin sa edukasyon ang Integrity at Ethics sa Public Service, kabilang ang pag-aaral ng Anti-Red Tape at iba pang anti-corruption laws, para masiguro na ang mga magsisipagtapos ay sisiguruhin ang accountability at professionalism. RNT/JGC