MANILA, Philippines – Upang matulungan ang mga low income earner ay itinigil na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paniningil ng P100 na certification fee para sa mga taong kumukuha ng Certificate of Exemption ng mga indibidwal na may mababang income sa bansa.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na ito ay tulong para sa mga low income o no income na kumukuha ng scholarship o job at livelihood programs.
“Those who apply for scholarships and job/livelihood programs do not have to pay for the Php 100.00 certification fee. The BIR has removed that requirement,” pahayag ni Lumagui.
Kaugnay nito binigyang diin nito na ang hakbang ay bahagi ng programa ng ahensiya na mabawasan ang problema ng mamamayan na nangangailangan ng tulong
“The BIR will do its share in alleviating the burden of our countrymen who are already in need of financial assistance, which is why they are applying for scholarships, jobs, or livelihood programs. You can now apply for those programs without paying for the certification fee,” dagdag ni Lumagui.
Nakasaad sa Section 2 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na may karapatan ang BIR na suriin o ipatigil ang pangongolekta ng national internal revenue taxes, fees, at charges kung kinakailangan alinsunod sa RMC No. 127-2024 na nilagdaan ni Lumagui noong November 18, 2024. Santi Celario