MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa ikinasang operasyon sa Silang, Cavite.
Iniulat ng Police Regional Office 4A (PRO-4A) na naaresto ng mga operatiba sina Ed at Ryan bandang alas-5 ng hapon matapos pagbentahan ng P500 halaga ng shabu ang undercover pulis sa Barangay Bulihan.
Nasamsam ng mga awtoridad ang apat na plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.
Si Ed ay HVI o high-value individual sa local drug trade habang si Ryan naman ay tinukoy na street drug pusher.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag a Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC