Home ENTERTAINMENT Cess Garcia, nag-out, umaming bisexual!

Cess Garcia, nag-out, umaming bisexual!

Manila, Philippines- Very significant ang araw ng mediacon para sa Vivamax movie na Linya dahil dalawa sa mga bida ang umamin na sila ay bisexual: sina Cess Garcia at Sheila Snow.

Pero mas tumatak sa amin ang pag-out ni Cess dahil never pa siyang nagkaka-jowa ng lalake although hindi naman siya nauubusan ng manliligaw.

20 years old pa lang si Cess ngunit dalawa na ang naging jowa niya na lesbian.

Nagkaroon naman siya ng manliligaw na lalake ngunit hindi pa man sinasagot ay pinagtangkaan na siyang i-rape kaya na-trauma siya sa boylet.

Until kow ay nagkakagusto pa rin naman siya sa lalake ngunit aminado siyang single siya sa ngayon.

Sa Linya ay nag-enjoy daw siya sa drama scene.

“Sobrang na-excite ako sa part na drama. Nag-enjoy ako sa amin ni Sheila (Snow), sa eksena. ‘Yung nay sinabihan kaming sabaw,” natatawa niyang kwento.

Actually, may trauma si Cess sa mga co-workers na nagkakaroon ng relasyon lalo na sa mga nagko-cross ng boundaries dahil sa kanyang personal experience.

“Base on my experience sa dad ko na co-worker niya na girl, ayoko na mangyari yung ganu’n kasi naapektuhan kami ng mom ko and may baby sister ako sa kanya.

“Sa ngayon, hiwalay na sila ng mom ko,” sabi niya.

Nakarelasyon kasi ng dad niya ang co worker nito at ngayon ay apektado ang kanilang pamilya.

“Du’n sa character ko sa movie, nakita ko ang bawat ugali ng tao, kung paano sila mag-take advantage para makuha ang gusto nila,” kwento pa niya. JP Ignacio