MANILA, Philippines- Nahalal ang Pilipinas bilang deputy member ng governing body ng International Labor Organization (ILO), 16 taon matapos italaga sa titular position mula 2005 hanggang 2008, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma.
Inihayag ni Laguesma na mahalagang hakbang ito sa pagsusulong ng bansa sa labor standards at pagprotekta sa karapatan ng mga manggagawa sa buong mundo.
Ani Laguesma, sumasalamin ang pagkakahalal sa aktibong pakkibahagi ng Pilipinas sa paghubog sa patas na labor policies at kondisyon sa global scale.
Mauupo ang elected member states, kabilang ang Pilipinas, sa loob ng tatlong taong termino hanggang Hunyo 2027.
Binubuo ang ILO Governing Body, nagkakasa ng mahahalagang desisyon sa organisasyon, ng 56 titular members at 66 deputy members, na kumakatawan sa mga pamahalaan, employer, at mga manggagawa. RNT/SA