Home METRO Pastora tinambangan ng trike driver; suspek nagpatiwakal!

Pastora tinambangan ng trike driver; suspek nagpatiwakal!

CAUAYAN CITY, Isabela- Tinambangan umano ng isang tricycle driver ang isang pastora saka nagpatiwakal sa Barangay Gappal, sa lungsod na ito nitong Biyernes.

Sinabi ni Police Major Esem Galiza, police chief sa lugar na ito, binaril ni Eduardo Pabigayan, isang tricycle driver mula Barangay Disimuray, si Precila Salbatiera na sakay ng Toyota Hi-ace van sa isang tulay sa Barangay Gappal gamit ang caliber .45 pistol.

Pumunta naman si Pabigayan sa tahanan ni Salbatiera sa Purok 7, Barangay Gappal, kung saan niya binaril ang kanyang sarili.

Nagtamo naman ng sugat si Salbatiera ng sugat sa tiyan subalit nasa maayos na kondisyon na sa ospital.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng follow-up investigation. RNT/SA