Home NATIONWIDE ‘Whole country’ effort para sa nat’l adaptation plan hirit ng CCC

‘Whole country’ effort para sa nat’l adaptation plan hirit ng CCC

MANILA, Philippines- Ipinanawagan ng isang opisyal ng Climate Change Commission (CCC) nitong Sabado ang “whole country effort” upang ikasa ang national adaptation plan (NAP) ng Pilipinas upang ibsan ang mga panganib na dulot ng climate change at mga epekto nito.

Sa isang news forum sa Quezon City, iniulat ni CCC Assistant Secretary Rommel Cuenca na isinumite ng Pilipinas ang NAP nito sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Ani Cuenca, pinagsasama-sama ng NAP ang climate change adaptation sa mga polisiya, progrma, at mga aktibidad ng mga kaukulang sektor, na nangangailangn ng whole-of-country approach ng hindi lamang CCC, kundi lahat ng national government agencies, private sector, science organizations, academe, at local governments.

“Sa lahat ng mga sektor na iyan – private sector, academe, national government – may kaniya-kaniyang plano iyan para sa kaniya-kaniyang mandato. The National Adaptation Plan will allow us to make sure that all these plans are guided and aligned and integrated so that it becomes a whole-of-country effort and not just panukala lang iyan ni Climate Change Commission,” ani Cuenca.

Nilalayon ng NAP na bawasan ang “vulnerability” sa mga epekto ng climate change sa pamamagitan ng “adaptive capacity and resilience” at pangangasiwa ng integrasyon ng climate change adaptation sa mga polisiya at programa.

“Adaptive capacity is the ability of a community, a region, a city, a country to be able to reduce the harm and to exploit the benefits that can come out of adaptation action,” wika ng opisyal.

Binanggit naman ni Cuenca ang pangangailangan na tukuyin ang mga kalahok na sektor, mga luagr sa bansa na “highly vulnerable” sa climate change, at banta ng climate change. RNT/SA