Home NATIONWIDE Cha-cha mas mainam busisiin pagkatapos ng 2025 polls – Koko

Cha-cha mas mainam busisiin pagkatapos ng 2025 polls – Koko

MANILA, Philippines- Mas makabubuti para sa lahat na pag-usapan ang Charter change na may layuning amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution pagkatapos ng 2025 National and Local Elections (NLE), ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Biyernes.

Sa press conference, muling iginiit ni Pimentel ang oposiyon sa Charter change sa ngayon sa gitna ng kontrobersiya na bumabalot sa pekeng people’s initiative (PI) na isinulong ni House Speaker Martin Romualdez.

“Ang feeling ko. [it is] better not to open this door or this box, because it might lead to unintended or unforeseen consequences… Under this context or given the situation, magdududa ka na sa lahat ng efforts to amend the Constitution at this moment because we are dealing with the same people, parehas lang ang tao na involved,” ayon kay Pimentel.

“Although I am open to constitutional amendments, ‘wag na muna ngayon with the same set of legislators. After the 2025 elections ‘yun na. Entertainin na yan. Bago ng set of legislators,” dagdag niya.

Pero sinabi ni Pimentel na kung sakaling mahalal muli ang kinatawan sa Kongreso na sumusuporta sa PI, dapat igalang ang mandato ng mamamayan.

“If the members of the House of Representatives get reelected and especially when we use this as a political issue, ‘yung pag back-up nila sa people’s initiative, if that’s become a political issue during the campaign, and then they still get reelected, then okay na ‘yon. Let us respect the new mandate of the people,” aniya.

Binanggit din ni Pimentel ang pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na nagpapakitang 88% ng mga Filipino ang kumokontra sa pag-amyenda sa Konstitusyon bilang apirmasyon ng “gut feeling.”

“Parang na-confirm ‘yung aking gut feeling na ‘yan nga ang sentimyento ng taumbayan na, wag ngayon lalo na nung ginamit ang people’s initiative…May under current, may mga malalakas na tao… na gustong gamitin ang pangalan ng taumbayan para makamit ang kanilang agenda,” ani Pimentel.

“Kaya iwas muna tayo ngayon, kung ganyan ang current sitwasyon… wag natin buksan itong taon na ito,” pahayag pa niya.

Kasalukuyang tinatalakay ng Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes sa pamumuno ni Senador Sonny Angara ang Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6) na naktutok sa pag-amyenda ng economic provisions ng Saligang Batas. Ernie Reyes