Home METRO Paghati sa barangay sa Caloocan sa 6 naisabatas na

Paghati sa barangay sa Caloocan sa 6 naisabatas na

115
0

MANILA, Philippines- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes ang batas na humahati sa Barangay Bagong Silang sa Caloocan sa anim na barangay, ayon sa Palasyo nitong Biyernes.

Tatawagin ang mga bagong barangay na: Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E, at Barangay 176-F.

Magsasagawa ang Commission on Elections ng plebisito sa bagong tatag na mga barangaysa loob ng 90 araw matapos maipasa ang batas.

Nilagdaan ni Marcos ang batas noong April 3. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here