Home TOP STORIES Champi nanalasa sa Taiwan; 1 utas, higit 500 sugatan

Champi nanalasa sa Taiwan; 1 utas, higit 500 sugatan

1
0

TAIPEI, Taiwan – Isang tao ang nasawi at 527 ang nasugatan matapos hagupitin ng Typhoon Champi ang Taiwan nitong Sabado. Nagbagsakan ang mga puno at nawalan ng kuryente ang libo-libong kabahayan habang humihina ang bagyo at kumikilos pahilaga patungo sa baybayin ng China.

Dating super typhoon at isa sa pinakamalalakas na bagyo sa Pacific ngayong taon, humina na ang Champi ngunit mayroon pa ring pagbugsong aabot sa 126 kilometro kada oras malapit sa sentro nito, ayon sa Central Weather Administration (CWA) ng Taiwan.

Ayon sa CWA, nasa 150 kilometro silangan ng Taiwan ang bagyo matapos bahagyang dumaan sa hilagang-silangang baybayin ng isla madaling-araw ng Sabado. Batay sa forecast track, kikilos ito pahilaga patungo sa baybayin ng China at kalaunan ay sa katimugang Japan.

Ayon sa fire department ng Taiwan, isang lalaki ang namatay matapos tangayin ng mga alon sa Liuqiu Island. Umabot naman sa 527 ang nasugatan dahil sa malalakas na hangin at buhos ng ulan.

Iniulat ng Taipower na mahigit 167,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng bagyo, ngunit naibalik na ang suplay sa karamihan ng mga ito.

Samantala, 242 flight ang nakansela, mas mababa kumpara sa halos 1,000 kanselasyon noong Biyernes. Sa kabisera ng Taipei, nagbagsakan ang mga puno at paminsan-minsang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagpatupad din ng ikalawang araw ng pagsasara ng mga opisina at paaralan ang ilang lugar sa hilaga at gitnang Taiwan, kabilang ang Taipei.

Karaniwang nakapaghahanda nang mabuti ang Taiwan sa mga bagyo kaya nananatiling mababa ang bilang ng mga nasasawi. Bagama’t mas madalas ang mga bagyo tuwing tag-init, maaari rin itong tumama sa bansa tuwing taglagas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here