Home ENTERTAINMENT Charlie, nagkwento sa pagiging ‘usu’ ni Carlo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Charlie, nagkwento sa pagiging ‘usu’ ni Carlo!August 23, 2026 17:1710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa isang interview, nagbalik-tanaw si Charlie Dizon sa kanyang pinagdaanan bago pa siya pumalaot sa showbiz.Aniya, hindi raw niya akalain na papasukin niya ang pag-arte.Katunayan, ang kapatid daw niyang babae na diumano’y mas maganda sa kanya ang may hilig sa pag-aartista.Hindi rin niya ikinaila na binalak niya noong pumunta sa Korea dahil bet niyang maging K pop star.Incidentally, na-reject daw siya dahil may naging problema sa kanyang kontratakaya naunsyami ang kanyang pangarap.Nahiya raw siya noon pero hindi raw naman siya natinag para ipagpatuloy ang kanyang pangangarap.Noong nabigyan na siya ng break ng Kapamilya network, ang binalak daw na screen name niya ay Joey pero sa huli ay naging Charlie.Bet naman daw niya ang kanyang screen name dahil unique ito at medyo astig ang dating.Ayon pa sa panayam sa kanya sa vlog ni Ganiel Krishnan, madalas daw na impresyon sa kanya ay supladita.Pero ang totoo raw ay hindi naman siya maldita dahil medyo reserved daw ang tipo ng kanyang personalidad.Noon namang naging dyowa niya si Carlo Aquino, malakas na raw ang kutob niya na ito ang lalakeng makakatuluyan niya.Nag-effort pa nga raw itong pumunta sa Amerika para ma-meet ang kanyang mom at hingin ang blessings nito bago sila ikasal.Tungkol naman sa kanyang hubby, sobrang bilib daw siya kay Carlo.Grabeng ‘usi’ at metikoloso nito.Pagdating daw sa pagkain ay sinisigurado nitong healthy ang kanilang kakainin.Marunong din daw itong maglinis ng bahay at maglaba kaya naman masasabing isa itong ideal house husband. Archie Liao