Home NATIONWIDE Chavit: Amyendahan, ‘wag total ban sa POGO

Chavit: Amyendahan, ‘wag total ban sa POGO

153
0
Dating Governor Chavit Singson naghain ng Certificate of Candidacy bilang senador sa 2025 polls. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Sinabi ni senatorial aspirant at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na dapat amyendahan lamang ang batas na sumasakop sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) at huwag itong tuluyang ipagbawal.

“Pogo should not have been banned. It should have just been taxed. Increase the tax of Pogos because they would just transfer [operations] or hide [from authorities],” sinabi ni Singson sa isang panayam.

Matatandaan na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address na tuluyan na niyang ipagbabawal ang POGO na dahilan ng kabi-kabilang krimen gaya ng financial scamming, human trafficking, kidnapping at maging pagpatay.

“We lost a huge amount of income. Many lost their jobs. It should have just been amended… Why are we banning it if the government receives a huge income from it?” dagdag ni Singson.

Kamakailan ay sinabi na ni Finance Secretary Ralph Recto na hindi makakaapekto sa revenue collection ng bansa ang POGO ban dahil naabot na ng pamahalaan ang revenue target nito sa unang bahagi pa lamang ng taon.

Sa ulat ni Presidential Anti-Organized Crime Commission chief Gilbert Cruz, mayroon na lamang 100 POGO ang nag-ooperate sa buong bansa.

Binigyan na lamang ang mga ito nang hanggang sa katapusan ng taon para tuluyang tapusin ang kanilang operasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here